Iskedyul sa Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Setyembre 9
13 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Setyembre 15 ng Bantayan at ang Setyembre 22 ng Gumising!
17 min: “Pagtulong sa Iba na Luwalhatiin si Jehova.”a
15 min: Bakit ba Wala Silang Pananampalataya? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Madalas tayong makatagpo ng mga taong kakaunti ang pananampalataya. (2 Tes. 3:2) Upang mapaabutan sila ng katotohanan, kailangan nating malaman kung bakit wala silang pananampalataya. Isaalang-alang ang apat na salik na binanggit sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 320-2 (p. 129-30 sa Ingles), na maaaring humadlang sa mga tao sa pagtatamo ng pananampalataya. Anyayahan ang tagapakinig na imungkahi kung anong paglapit ang magagamit sa bawat kalagayan.
Awit 122 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 16
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang “ ‘Masisigasig na Tagapaghayag ng Kaharian’ na mga Pandistritong Kombensiyon.”
18 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ibigay ang tampok na mga bahagi ng ulat ng kongregasyon para sa 2002 taon ng paglilingkod. Papurihan ang lahat para sa mabubuting bagay na naisagawa. Ituon ang pansin sa nagawa ng kongregasyon hinggil sa bilang ng dumadalo sa pulong, sa gawaing pagbabalik-muli at pag-aaral sa Bibliya, at sa pag-o-auxiliary pioneer. Magtakda ng mga tunguhin na maaaring abutin para sa dumarating na taon.
17 min: Mga Hamon na Napapaharap sa mga Nagsosolong Magulang. Kakapanayamin ng isang matanda ang isa o dalawang nagsosolong magulang (o yaong mga may asawang hindi Saksi) upang makita kung paano nila nagagawang sanayin at patnubayan sa espirituwal na paraan ang kanilang mga anak habang kasabay nito ay inaasikaso ang mga pananagutan nila sa pamilya at regular ding nakadadalo sa mga pulong at nakalalabas sa larangan. Itampok ang ilang mungkahi na iniharap sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya, pahina 104-10.
Awit 149 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 23
10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, ipatanghal sa isang elder kung paano ihaharap ang Oktubre 1 ng Bantayan at ipatanghal naman sa isang ministeryal na lingkod kung paano ihaharap ang Oktubre 8 ng Gumising!
15 min: Paninindigan sa Katotohanan sa Paaralan. Kapanayamin ang isa o dalawang kabataang mamamahayag na nag-aaral. Paano nila hinaharap ang mga hamon at mga pang-akit na dulot ng makabansang mga seremonya, rally, ekstrakurikular na mga isport, at di-malinis na paggawi? Ilakip ang mga komento kung paano nila nagagawang magpatotoo sa paaralan.
20 min: “Iwasan ang Pagtataguyod ng ‘Mga Bagay na Walang Kabuluhan.’ ”b Pagkatapos talakayin ang parapo 4, ilakip ang mga komento sa insert ng Enero 2000 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 30-2. Kalakip sa parapo 6, basahin ang parapo 18 sa insert ng Enero 2000.
Awit 105 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 30
15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang “Sumusulong ang Programa sa Pagtatayo ng Kingdom Hall.”
15 min: Bakit Namumukod-tangi ang Ating mga Magasin? Talakayin ang mga dahilan kung bakit namumukod-tangi ang mga magasin: (1) Dinadakila ng mga ito ang pangalan ni Jehova. (2) Pinasisigla ng mga ito ang pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesus. (3) Inihahayag ng mga ito ang Kaharian ng Diyos. (4) Itinutuon ng mga ito ang pansin sa Bibliya bilang ang sukdulang awtoridad. (5) Ipinaliliwanag ng mga ito ang katuparan ng hula sa Bibliya. (6) Ipinaliliwanag ng mga ito ang tunay na kahulugan ng mga pangyayari sa daigdig. (7) Ipinakikita ng mga ito kung paano haharapin ang mga problema sa ngayon. (8) Pinupukaw ng mga ito ang interes ng lahat ng uri ng tao. (9) Nananatiling neutral ang mga ito sa pulitika. Magharap ng dalawang maikling pagtatanghal, na ipinakikita sa bawat pagtatanghal kung paano magagamit ang isa sa mga puntong ito upang pasimulan ang pakikipag-usap.
15 min:“Pahalagahan ang Teokratikong mga Ari-arian.”c Gagampanan ng isang matanda. Himukin ang lahat na limitahan ang mga paghiling ng literatura sa kung ano lamang talaga ang kinakailangan. Ipaalaala sa lahat ang pribilehiyo na magbigay ng pinansiyal na kontribusyon bilang pagsuporta sa pambuong-daigdig na gawain.
Awit 21 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 7
10 min: Lokal na mga patalastas.
10 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Matakot Kayo sa Diyos at Magbigay sa Kaniya ng Kaluwalhatian.” (Apoc. 14:7) Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig na nirerepaso ang programa ng pansirkitong asamblea sa taóng ito. Anyayahan ang kongregasyon na magkomento sa susing mga punto na natutuhan at kung paano nila ikinapit ang mga iyon. (Ang mga bahagi ng programa ay maaaring iatas nang patiuna.) Itampok ang mga bahaging ito ng programa: (1) “Tulungan ang mga Baguhan na Linangin ang Takot sa Diyos.” Paano natin matutulungan ang mga interesadong nagsidalo sa Memoryal na sumulong at maging aktibong mga lingkod ni Jehova? (2) “Ang Pagkatakot kay Jehova ay Nangangahulugan ng Pagkapoot sa Masama.” Paano tayo matutulungan ng Kawikaan 6:16-19 na lumayo sa mga bagay na kinapopootan ni Jehova—pagmamapuri, pagsisinungaling, materyalistikong mga tunguhin, di-kapaki-pakinabang na paglilibang, maling paggamit sa Internet? (3) “Maging Lalong Malapít sa mga Iniibig Ninyo.” Paano tayo maipagsasanggalang mula sa sanlibutan ng pagiging malapít kay Jehova, kay Jesus, sa mga miyembro ng pamilya, at sa iba pa sa kongregasyon? (4) “Matakot kay Jehova, Hindi sa mga Tao.” Paano nakatulong sa inyo ang takot na di-mapalugdan si Jehova upang mapagtagumpayan ang pagiging mahiyain kapag nangangaral, upang makapanghawakan sa makadiyos na mga simulain sa trabaho o sa paaralan, o upang mapaglabanan ang panggigipit ng inyong amo na lumiban kayo sa mga pagpupulong, asamblea, at kombensiyon? (5) “Gawin Ninyo ang Lahat ng Bagay sa Ikaluluwalhati ng Diyos.” (Awit 119:37; Heb. 4:13) Bakit tayo hahadlangan ng pagkatakot sa Diyos mula sa labis na pag-inom, panonood ng pornograpya, o paggawa ng iba pang lihim na mga kasalanan? (6) “Patuloy na Lumakad sa Pagkatakot kay Jehova.” Paano kayo pinagpala ni Jehova dahil pinahintulutan ninyo ang kaniyang espiritu na lubusang kumilos sa inyong buhay?—Awit 31:19; 33:18; 34:9, 17; 145:19.
Awit 171 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.