Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/02 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 10/02 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular nilang ihahatid ang mga magasin, sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kapag ang mga may-bahay ay mayroon na ng mga publikasyong ito, maaaring gamitin ang ibang mas matatagal nang publikasyon. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya​—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.

◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2003” at dapat ingatan ito bilang reperensiya sa buong taon. Ang ilan sa mga pahayag ng estudyante ay salig sa aklat na Nangangatuwiran. Yamang hindi makukuha ang aklat na ito sa wikang Bicol, Hiligaynon, Pangasinan, at Samar-Leyte, ang mga pahinang nakasaad sa mga edisyon ng mga wikang ito ay mula sa wikang Ingles ng aklat na Nangangatuwiran, bagaman ang mga tema ay isasalin.

◼ Sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, maraming tao ang mag-iisip tungkol sa namatay nilang mga minamahal, kaya magiging angkop na magdala tayo ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? o Mayroon Ka Bang Imortal na Espiritu? at ng mga brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal o Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa mga araw na iyon.

◼ May suplay pa rin tayo ng mga 2002 Taunang Aklat sa Cebuano, Iloko, at Tagalog sa tanggapang pansangay. Pinasisigla namin yaong mga nangangailangan nito na pumidido sa pamamagitan ng kongregasyon. Baka nais ng mga kongregasyon na pumidido para sa aklatan ng kanilang Kingdom Hall.

◼ Ang mga pidido para sa 2003 Taunang Aklat ay maaari na ngayong ipadala sa tanggapang pansangay. Nagpadala kami ng Yearbook Order Blank kalakip ng statement ng Hunyo para sa layuning ito. Kapag pumidido sa taóng ito, pakisuyong isaisip na ang kasaysayan ng gawain sa Pilipinas ay itatampok sa 2003 Taunang Aklat, kaya walang alinlangan na nanaisin ninyong pumidido ng sapat na suplay para sa mga kapatid. Ito ay isasalin sa Cebuano, Iloko, at Tagalog upang makinabang ang lahat. Pakisuyong ibalik ang order blank nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2002.

◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:

A Satisfying Life​—How to Attain It​—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share