Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2003
Mga Tagubilin
Sa 2003, ang sumusunod ang magiging kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [w], Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo [be], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at mga pananalita ng pagtanggap at pagkatapos ay magpapatuloy gaya ng sumusunod:
KALIDAD SA PAGSASALITA: 5 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan, ang katulong na tagapayo, o isa pang kuwalipikadong matanda ang tatalakay sa isang kalidad sa pagsasalita salig sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. (Sa mga kongregasyon na may limitadong bilang ng matatanda, maaaring gamitin ang isang kuwalipikadong ministeryal na lingkod.) Malibang ipahiwatig, ang mga kahon na lumilitaw sa iniatas na mga pahina ay dapat ilakip sa pagtalakay. Ang mga pagsasanay ay hindi dapat ilakip. Ang mga ito ay pangunahin nang para sa personal na gamit at sa pribadong pagpapayo.
ATAS BLG. 1: 10 minuto. Ito ay dapat gampanan ng isang matanda o ministeryal na lingkod, at ito ay ibabatay sa Ang Bantayan, Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, o “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Ito ay ihaharap bilang sampung minutong nakapagtuturong pahayag nang walang tanong-sagot na repaso. Ang tunguhin ay hindi lamang kubrehan ang materyal kundi ituon ang pansin sa praktikal na kahalagahan ng impormasyong tinatalakay, anupat itinatampok kung ano ang pinakakapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang nakasaad na tema. Inaasahan na ang mga kapatid na lalaki na inatasan sa pahayag na ito ay magiging maingat na manatili sa itinakdang oras. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBASA SA BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang anim na minuto, isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod ang dapat na mabisang magkapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Maaari siyang magkomento sa anumang bahagi ng iniatas na babasahin sa Bibliya para sa linggong iyon, yamang ang kapatid na maghaharap ng atas Blg. 2 ay hindi magkokomento sa mga talata na kaniyang babasahin. Hindi ito dapat na basta sumaryo lamang ng iniatas na babasahin. Ang pangunahing tunguhin ay ang tulungan ang mga tagapakinig na pahalagahan kung bakit at kung gaano kahalaga ang impormasyon. Pagkatapos, sa loob ng apat na minuto ay aanyayahan ng tagapagsalita ang mga tagapakinig na makibahagi sa pamamagitan ng pagbibigay ng maiikling komento (30 segundo o mas maikli pa) sa dalawang sumusunod na tanong: “Ano ang nasumpungan mo sa pagbasa sa Bibliya sa linggong ito na makatutulong sa iyong ministeryo o sa iyong paraan ng pamumuhay?” at “Ano ang nagpalakas sa iyong pananampalataya at nagpasidhi sa iyong pagpapahalaga kay Jehova?” Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa sa paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 4 na minuto. Ito ay pagbasa na ihaharap ng isang kapatid na lalaki. Ang babasahin ay kadalasang magmumula sa Bibliya. Minsan sa isang buwan, sasaklawin sa atas na ito ang materyal na kinuha sa Ang Bantayan. Dapat basahin ng estudyante ang iniatas na materyal nang walang ibinibigay na introduksiyon at konklusyon. Sa bawat linggo, ang dami ng materyal na babasahin ay mag-iiba-iba nang bahagya ngunit ito ay dapat na may habang apat na minuto o mas maikli pa. Dapat tingnan ng tagapangasiwa sa paaralan ang materyal bago gumawa ng mga atas, anupat ibinabagay ang mga atas sa edad at kakayahan ng mga estudyante. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang may kaunawaan, katatasan, wastong pagdiriin ng mga susing salita, pagbabagu-bago ng tono ng boses, angkop na sandaling paghinto, at pagiging natural.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Ito ay iaatas sa isang kapatid na babae. Ang mga estudyanteng tumatanggap ng atas na ito ay pipili o aatasan ng isang tagpo mula sa talaan na makikita sa pahina 82 ng aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang aspekto ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa teritoryo ng lokal na kongregasyon. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga publikasyong inilaan ng uring tapat at maingat na alipin. Ang mas bagong mga estudyante ay dapat atasan ng mga pahayag na may inilaang mga reperensiya. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa kung paano binuo ng estudyante ang materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran sa Kasulatan at maunawaan ang susing mga punto sa pagtatanghal. Ang mga estudyanteng naatasan ng bahaging ito ay dapat na marunong bumasa. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay mag-aatas ng isang kasama.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga publikasyong inilaan ng uring tapat at maingat na alipin. Kapag iniatas sa isang kapatid na lalaki, ang bahaging ito ay maaaring iharap bilang isang pahayag taglay sa isipan ang mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag isang kapatid na babae ang binigyan ng atas na ito, ito ay dapat na laging iharap gaya ng nakabalangkas para sa Atas Blg. 3. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may mga asterisk ay dapat iatas lamang sa mga kapatid na lalaki upang iharap bilang mga pahayag.
ORAS: Walang pahayag ang dapat lumampas sa oras, maging ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 2 hanggang 4 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga kapatid na lalaki na gumaganap sa pambukas na pahayag hinggil sa kalidad sa pagsasalita, Atas Blg. 1, o mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat na maingat na bantayan ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 45 minuto, hindi kasali ang awit at panalangin.
PAYO: 1 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay gugugol nang hindi lalampas sa isang minuto pagkatapos ng bawat presentasyon ng estudyante upang magbigay ng ilang positibong obserbasyon sa isang aspekto ng pahayag na kapuri-puri. Ang kaniyang tunguhin ay hindi lamang para sabihing “mahusay” kundi sa halip, ituon ang pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit ang aspektong iyon ng presentasyon ay mabisa. Alinsunod sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo nang pribado pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang matanda upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo kung may makukuhang iba pa bukod sa tagapangasiwa sa paaralan. Ang kaniyang pananagutan ay ang magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng Atas Blg. 1 at mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya. Hindi naman kinakailangang magbigay siya ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang mga kapuwa matanda o ministeryal na lingkod. Ang kaayusang ito ay magaganap sa 2003 at maaaring magbago pagkatapos.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin.
TANONG-SAGOT NA REPASO: 30 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng tanong-sagot na repaso. Ito ay isasagawa pagkatapos ng pagtalakay sa isang kalidad sa pagsasalita at ng mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang tanong-sagot na repaso ay isasalig sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo.
ISKEDYUL
Ene. 6 Pagbasa sa Bibliya: Mateo 1-6 Awit 91
Kalidad sa Pagsasalita: Malugod Kayong Tinatanggap sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (be p. 5 ¶1–p. 8 ¶1)
Blg. 1: Magtamasa ng Kaluguran sa Salita ng Diyos (be p. 9 ¶1-5)
Blg. 2: Mateo 4:1-22
Blg. 3: Paano Naaapektuhan ng Tanda ng mga Huling Araw ang Tunay na mga Kristiyano? (rs p. 173 ¶1-2)
Blg. 4: Ano ang Ginagawa ni Jesus Ngayon?
Ene. 13 Pagbasa sa Bibliya: Mateo 7-11 Awit 40
Kalidad sa Pagsasalita: Basahin ang Bibliya Araw-Araw (be p. 10 ¶1−p. 12 ¶3)
Blg. 1: ‘Tumakbo sa Gayong Paraan’ (w01 1/1 p. 28-31)
Blg. 2: Mateo 9:9-31
Blg. 3: Kung Bakit Tayo Nangangaral sa Iba
Blg. 4: Bakit Sinasabi ng mga Saksi ni Jehova na ang mga Huling Araw ay Nagsimula Noong 1914? (rs p. 174 ¶1-4)
Ene. 20 Pagbasa sa Bibliya: Mateo 12-15 Awit 133
Kalidad sa Pagsasalita: Tumpak na Pagbabasa (be p. 83 ¶1–p. 84 ¶1)
Blg. 1: Mapaglalabanan Mo ang Panghihina ng Loob! (w01 2/1 p. 20-3)
Blg. 2: Mateo 13:1-23
Blg. 3: Mayroon Bang Maiiwang Buháy sa Lupa Pagkatapos ng Kawakasan ng Kasalukuyang Sistema ng Sanlibutan? (rs p. 175 ¶1-4)
Blg. 4: Nagbabago ba ang Diyos?
Ene. 27 Pagbasa sa Bibliya: Mateo 16-21 Awit 129
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Magbabasa Nang May Katumpakan (be p. 84 ¶2–p. 85 ¶3)
Blg. 1: Ang Mabilis na Paglipas ng Panahon (si p. 278-9 ¶1-6)
Blg. 2: w01 1/15 p. 20 ¶20–p. 21 ¶24
Blg. 3: Ano ang Makapagkakaisa sa Daigdig?
Blg. 4: Bakit Naghintay ang Diyos ng Gayong Katagal Bago Puksain ang mga Balakyot? (rs p. 175 ¶5–p. 176 ¶2)
Peb. 3 Pagbasa sa Bibliya: Mateo 22-25 Awit 139
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Salitang Binigkas Nang Maliwanag (be p. 86 ¶1-6)
Blg. 1: ‘Bigyang-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig’ (be p. 13 ¶1–p. 14 ¶4)
Blg. 2: Mateo 22:15-40
Blg. 3: Kung Bakit Natin Alam na ang Tanda ay Kumakapit sa Panahon na Ating Kinabubuhayan (rs p. 176 ¶4–p. 177 ¶1)
Blg. 4: Sino Talaga ang Tapat at Maingat na Alipin?
Peb. 10 Pagbasa sa Bibliya: Mateo 26-28 Awit 27
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Magsasalita Nang Maliwanag (be p. 87 ¶1–p. 88 ¶3)
Blg. 1: Kung Paano Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan (w01 3/1 p. 4-7)
Blg. 2: Mateo 26:6-30
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Ako Gumagamit ng Droga
Blg. 4: Ano ang Layunin ng Buhay ng Tao? (rs p. 70 ¶3–p. 71 ¶4)
Peb. 17 Pagbasa sa Bibliya: Marcos 1-4 Awit 137
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Pagbigkas—Mga Salik na Dapat Isaalang-alang (be p. 89 ¶1–p. 90 ¶3)
Blg. 1: Mga Tagapagpahiwatig ng Panahon sa Bibliya (si p. 279-80 ¶7-13)
Blg. 2: w01 2/15 p. 25 ¶10–p. 26 ¶14
Blg. 3: Ang mga Tao ba ay Ginawa Upang Mabuhay Lamang Nang Sandali at Pagkatapos ay Mamatay? (rs p. 72 ¶1-3)
Blg. 4: Kung Bakit Mali ang Magsugal
Peb. 24 Pagbasa sa Bibliya: Marcos 5-8 Awit 72
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paraan Upang Sumulong sa Pagbigkas (be p. 90 ¶4–p. 92)
Tanong-Sagot na Repaso
Mar. 3 Pagbasa sa Bibliya: Marcos 9-12 Awit 195
Kalidad sa Pagsasalita: Matatas na Pagpapahayag (be p. 93 ¶1–p. 94 ¶3)
Blg. 1: Pakikinig sa mga Pahayag, sa Panahon ng Pagtalakay, at sa mga Asamblea at mga Kombensiyon (be p. 15 ¶1–p. 16 ¶5)
Blg. 2: Marcos 10:1-22
Blg. 3: Kung Paano Tayo Makakakuha ng Lakas Mula sa Diyos
Blg. 4: Ano ang Saligan Upang Makaasa Tayo na Mabuhay Magpakailanman? (rs p. 73 ¶5-7)
Mar. 10 Pagbasa sa Bibliya: Marcos 13-16 Awit 187
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Mapasusulong ang Katatasan (be p. 94 ¶4–p. 96 ¶3, maliban sa kahon sa p. 95)
Blg. 1: Ano ba ang Espirituwal na Paraiso? (w01 3/1 p. 8-11)
Blg. 2: Marcos 13:1-23
Blg. 3: Paano Matutupad ang Pag-asa ng Buhay sa Hinaharap? (rs p. 73 ¶8–p. 74 ¶3)
Blg. 4: May Pinapanigan ba ang Diyos sa mga Digmaan ng Tao?
Mar. 17 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 1-3 Awit 13
Kalidad sa Pagsasalita: Pananagumpay sa Pagkautal (be p. 95, kahon)
Blg. 1: “Maligaya ang Taong Nakasumpong ng Karunungan” (w01 3/15 p. 25-8)
Blg. 2: Lucas 3:1-22
Blg. 3: Angkop Bang Sambahin si Jesus?
Blg. 4: a Mahalaga ba ang Magpakasal Ayon sa Legal na mga Kahilingan? (rs p. 262 ¶5–p. 263 ¶1)
Mar. 24 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 4-6 Awit 156
Kalidad sa Pagsasalita: Sandaling Paghinto Para sa Bantas at Para sa Pagbabago ng Diwa (be p. 97 ¶1–p. 98 ¶5)
Blg. 1: Nadarama Mo Bang Mali ang Pagkaunawa sa Iyo? (w01 4/1 p. 20-3)
Blg. 2: Lucas 6:1-23
Blg. 3: Ano ang Kahalagahan ng Memoryal? (rs p. 239 ¶2–p. 240 ¶2)
Blg. 4: Makaaasa ba ang mga Kristiyano ng Proteksiyon Mula sa Diyos?
Mar. 31 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 7-9 Awit 47
Kalidad sa Pagsasalita: Sandaling Paghinto Upang Magdiin, Sandaling Paghinto Upang Makinig (be p. 99 ¶1–p. 100 ¶4)
Blg. 1: ‘Matakot sa Tunay na Diyos at Tuparin ang Kaniyang mga Utos’ (be p. 272 ¶1–p. 275 ¶3)
Blg. 2: w01 3/15 p. 18 ¶17–p. 19 ¶20
Blg. 3: Kung Paano Natin Nalalaman na ang Bibliya ay Mula sa Diyos
Blg. 4: Ano ang Inilalarawan ng mga Emblema sa Memoryal? (rs p. 240 ¶3-4)
Abr. 7 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 10-12 Awit 68
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Pagdiriin ng mga Susing Salita (be p. 101 ¶1–p. 102 ¶4)
Blg. 1: “Pagpapatotoo Tungkol kay Jesus” (be p. 275 ¶4–p. 278 ¶4)
Blg. 2: Lucas 10:1-22
Blg. 3: Sino ang Dapat Makibahagi sa Hapunan ng Panginoon? (rs p. 241 ¶2-3)
Blg. 4: Anong mga Pormalidad ang Kasangkot sa Unang Kasalan? (rs p. 263 ¶2-3)
Abr. 14 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 13-17 Awit 208
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapasulong sa Pagdiriin ng mga Susing Salita (be p. 102 ¶5–p. 104 ¶4)
Blg. 1: “Ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian” (be p. 279 ¶1–p. 281 ¶4)
Blg. 2: Lucas 15:11-32
Blg. 3: Kung Paano Ipagsasanggalang ang Ating Sarili Mula sa Impluwensiya ng Demonyo
Blg. 4: Gaano Kadalas Dapat Ipagdiwang ang Memoryal, at Kailan? (rs p. 242 ¶2-3)
Abr. 21 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 18-21 Awit 23
Kalidad sa Pagsasalita: Naidiin ang Pangunahing mga Ideya (be p. 105 ¶1–p. 106 ¶1)
Blg. 1: Ang Matalino at Maibiging Paglalaan ni Jehova ng mga Panahon (si p. 280 ¶14-17)
Blg. 2: w01 4/15 p. 6 ¶19–p. 7 ¶22
Blg. 3: Kung Paano Naaapektuhan ng Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli ang Ating Buhay
Blg. 4: b Kinukunsinti ba ng Bibliya ang Poligamya? (rs p. 263 ¶4–p. 264 ¶5)
Abr. 28 Pagbasa sa Bibliya: Lucas 22-24 Awit 218
Kalidad sa Pagsasalita: Lakas ng Tinig na Angkop sa Tagapakinig (be p. 107 ¶1–p. 108 ¶4)
Tanong-Sagot na Repaso
Mayo 5 Pagbasa sa Bibliya: Juan 1-4 Awit 31
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Mapasusulong ang Lakas ng Iyong Tinig (be p. 108 ¶5–p. 110 ¶2)
Blg. 1: Mapasusulong Mo ang Iyong Memorya (be p. 17 ¶1–p. 19 ¶1)
Blg. 2: Juan 2:1-25
Blg. 3: Hinahatulan ba ng Diyos ang Paggamit ng Alkohol?
Blg. 4: c Ano ang Pangmalas ng Diyos sa Paghihiwalay ng Mag-asawa? (rs p. 265 ¶1)
Mayo 12 Pagbasa sa Bibliya: Juan 5-7 Awit 150
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses—Baguhin ang Lakas ng Iyong Tinig (be p. 111 ¶1–p. 112 ¶2)
Blg. 1: Maaari Kang Magtagumpay Anuman ang Paraan ng Pagpapalaki sa Iyo (w01 4/15 p. 25-8)
Blg. 2: Juan 5:1-24
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Makatuwiran ang Doktrina ng Predestinasyon
Blg. 4: d Ano ang Pangmalas ng Bibliya sa Diborsiyo at Muling Pag-aasawa? (rs p. 265 ¶2–p. 266 ¶3)
Mayo 19 Pagbasa sa Bibliya: Juan 8-11 Awit 102
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses—Baguhin ang Iyong Bilis (be p. 112 ¶3-6)
Blg. 1: ‘Sa Pamamagitan ng Karunungan ay Darami ang Ating mga Araw’ (w01 5/15 p. 28-31)
Blg. 2: Juan 10:16-42
Blg. 3: Noong Una, Bakit Pinahintulutan ng Diyos ang Pag-aasawa ng Magkapatid? (rs p. 266 ¶4–p. 267 ¶1)
Blg. 4: Kung Paano Haharapin ang Kaigtingan
Mayo 26 Pagbasa sa Bibliya: Juan 12-16 Awit 24
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses—Bagu-baguhin ang Pagtataas at Pagbababá ng Iyong Tono (be p. 113 ¶1–p. 114 ¶3)
Blg. 1: Ang Taon at ang Banal na Kasulatan (si p. 280-2 ¶18-23)
Blg. 2: w01 5/1 p. 14 ¶4–p. 15 ¶7
Blg. 3: Kung Ano ang Kahulugan ng Pagiging “Hindi Bahagi ng Sanlibutan”
Blg. 4: Ano ang Tutulong Upang Mapabuti ang Pag-aasawa? (rs p. 267 ¶2-5)
Hun. 2 Pagbasa sa Bibliya: Juan 17-21 Awit 198
Kalidad sa Pagsasalita: Magsalita Nang May Damdamin (be p. 115 ¶1–p. 116 ¶4)
Blg. 1: Ang Papel ng Espiritu ng Diyos sa Pag-alaala (be p. 19 ¶2–p. 20 ¶3)
Blg. 2: Juan 20:1-23
Blg. 3: Ano ang Tutulong Upang Mapabuti ang Pag-aasawa? (rs p. 267 ¶6–p. 268 ¶2)
Blg. 4: Kailangan ba ang Organisadong Relihiyon?
Hun. 9 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 1-4 Awit 92
Kalidad sa Pagsasalita: Sigla na Angkop sa Materyal (be p. 116 ¶5–p. 117 ¶4)
Blg. 1: Patibayin ang Iyong Pagtitiwala kay Jehova (w01 6/1 p. 7-10)
Blg. 2: Gawa 4:1-22
Blg. 3: Ano ang Ating Matututuhan Tungkol kay Maria Mula sa Ulat ng Bibliya? (rs p. 232 ¶2-7)
Blg. 4: Interesado ba ang Diyos sa Paraan ng Ating Pagsamba?
Hun. 16 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 5-7 Awit 2
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapahayag ng Init (be p. 118 ¶1–p. 119 ¶5)
Blg. 1: Ang Pagtatapat na Umaakay sa Paggaling (w01 6/1 p. 28-31)
Blg. 2: Gawa 7:1-22
Blg. 3: Kung Paano Naiiba ang mga Saksi ni Jehova Mula sa Ibang mga Relihiyon
Blg. 4: Si Maria ba’y Talagang Birhen Nang Isilang si Jesus? (rs p. 233 ¶1-2)
Hun. 23 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 8-10 Awit 116
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapahayag ng Damdamin (be p. 119 ¶6–p. 120 ¶5)
Blg. 1: Alagaan ang mga Ulila at mga Babaing Balo sa Kanilang Kapighatian (w01 6/15 p. 9-12)
Blg. 2: w01 6/1 p. 12 ¶1–p. 13 ¶5
Blg. 3: Si Maria ba’y Laging Isang Birhen? (rs p. 233 ¶3–p. 234 ¶1)
Blg. 4: e Kung Bakit Mahalaga sa Espirituwal na Pagsulong ang Pagdalo sa mga Pulong
Hun. 30 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 11-14 Awit 167
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Pagkumpas at Ekspresyon ng Mukha (be p. 121 ¶1-4)
Tanong-Sagot na Repaso
Hul. 7 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 15-17 Awit 38
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Kumpas at Ekspresyon ng Mukha (be p. 121 ¶5–p. 123 ¶2)
Blg. 1: Bakit Dapat Kang Magsikap sa Pagbabasa? (be p. 21 ¶1–p. 23 ¶3)
Blg. 2: Gawa 15:1-21
Blg. 3: Kung Paano Natin Itinataguyod ang Soberanya ni Jehova
Blg. 4: Si Maria ba ang Ina ng Diyos? (rs p. 234 ¶2–p. 235 ¶1)
Hul. 14 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 18-21 Awit 32
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtingin sa Mata sa Ministeryo (be p. 124 ¶1–p. 125 ¶4)
Blg. 1: Huwag Hayaang Sirain ng mga Pag-aalinlangan ang Iyong Pananampalataya (w01 7/1 p. 18-21)
Blg. 2: Gawa 19:1-22
Blg. 3: f Si Maria ba’y Ipinaglihi sa Kalinis-linisang Paraan? (rs p. 235 ¶2-3)
Blg. 4: Kung Ano ang Kahulugan ng ‘Patuloy na Hanapin Muna ang Kaharian’
Hul. 21 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 22-25 Awit 222
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtingin sa Mata Kapag Nagpapahayag (be p. 125 ¶5–p. 127 ¶1)
Blg. 1: Ikaw ba’y Talagang Mapagparaya? (w01 7/15 p. 21-3)
Blg. 2: Gawa 24:1-23
Blg. 3: Totoo Bang May Diyablo?
Blg. 4: g Si Maria ba’y Umakyat sa Langit na Taglay ang Kaniyang Katawang Laman? (rs p. 236 ¶1-2)
Hul. 28 Pagbasa sa Bibliya: Gawa 26-28 Awit 14
Kalidad sa Pagsasalita: Pagiging Natural sa Ministeryo sa Larangan (be p. 128 ¶1–p. 129 ¶1)
Blg. 1: Walang Taóng Zero (si p. 282 ¶24-6)
Blg. 2: w01 7/1 p. 14 ¶5-8
Blg. 3: Wasto Bang Ipatungkol ang mga Panalangin kay Maria Bilang Tagapamagitan? (rs p. 236 ¶3–p. 237 ¶1)
Blg. 4: Kung Paano Natin Ipinakikita ang Paggalang sa Kaloob na Buhay
Agos. 4 Pagbasa sa Bibliya: Roma 1-4 Awit 106
Kalidad sa Pagsasalita: Pagiging Natural sa Plataporma (be p. 129 ¶2–p. 130 ¶1)
Blg. 1: Kung Paano Mo Mapagsisikapan ang Pagbabasa (be p. 23 ¶4–p. 26 ¶5)
Blg. 2: Roma 2:1-24
Blg. 3: Nabuhay Ka Na ba Noon?
Blg. 4: Si Maria ba’y Binigyan ng Pantanging Karangalan sa Kongregasyong Kristiyano Noong Unang Siglo? (rs p. 237 ¶3–p. 238 ¶2)
Agos. 11 Pagbasa sa Bibliya: Roma 5-8 Awit 179
Kalidad sa Pagsasalita: Pagiging Natural Kapag Nagbabasa sa Madla (be p. 130 ¶2-4)
Blg. 1: ‘Ang mga Pagpapala ay Para sa Matuwid’ (w01 7/15 p. 24-7)
Blg. 2: Roma 5:6-21
Blg. 3: h Naniniwala ba Kayo kay Birheng Maria? (rs p. 238 ¶3–p. 239 ¶1)
Blg. 4: Dapat Ka Bang Maniwala sa Reinkarnasyon?
Agos. 18 Pagbasa sa Bibliya: Roma 9-12 Awit 206
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Personal na Kalinisan ay Nagpapaganda sa Mensahe (be p. 131 ¶1-3)
Blg. 1: Hayaan Mong Makinabang Ka sa Kinaugalian Mo (w01 8/1 p. 19-22)
Blg. 2: w01 8/15 p. 22 ¶10-13
Blg. 3: Binago ba ng mga Tao ang Bibliya?
Blg. 4: Totoo bang Nangyayari ang Transubstantiation? (rs p. 243 ¶1–p. 244 ¶4)
Agos. 25 Pagbasa sa Bibliya: Roma 13-16 Awit 43
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Naaapektuhan ng Kahinhinan at Katinuan ng Pag-iisip ang Pananamit at Pag-aayos (be p. 131 ¶4–p. 132 ¶3)
Tanong-Sagot na Repaso
Set. 1 Pagbasa sa Bibliya: 1 Corinto 1-9 Awit 48
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Maayos na Pananamit (be p. 132 ¶4–p. 133 ¶1)
Blg. 1: Kung Paano Mag-aaral (be p. 27 ¶1–p. 31 ¶2)
Blg. 2: 1 Corinto 3:1-23
Blg. 3: Ano ang Ibig Sabihin ng Juan 6:53-57? (rs p. 245 ¶1-2)
Blg. 4: Binibigyang-Matuwid ba Kailanman ng Karalitaan ang Pagnanakaw?
Set. 8 Pagbasa sa Bibliya: 1 Corinto 10-16 Awit 123
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Maayos na Personal na Hitsura ay Hindi Nagbibigay ng Anumang Dahilan na Ikatitisod (be p. 133 ¶2-4)
Blg. 1: Daigin ang mga Balakid sa Iyong Pagsulong! (w01 8/1 p. 28-30)
Blg. 2: 1 Corinto 12:1-26
Blg. 3: Bakit Pinahihintulutan ng Diyos na Mangyari ang Masasamang Bagay?
Blg. 4: Pinasimulan ba ni Jesus ang Pagdiriwang ng Misa? (rs p. 245 ¶3–p. 247 ¶4)
Set. 15 Pagbasa sa Bibliya: 2 Corinto 1-7 Awit 16
Kalidad sa Pagsasalita: Maayos na Bikas at Masinop na Kasangkapan (be p. 134 ¶1-5)
Blg. 1: Ginagawang Matagumpay ang Panahon ng Iyong Kabataan (w01 8/15 p. 4-7)
Blg. 2: 2 Corinto 6:1–7:1
Blg. 3: Ang Saloobin ng Isang Kristiyano sa Sekular na Awtoridad (rs p. 248 ¶1-3)
Blg. 4: Nagmamalasakit ba ang Diyos Tungkol sa Polusyon sa Daigdig?
Set. 22 Pagbasa sa Bibliya: 2 Corinto 8-13 Awit 207
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Babawasan ang Kabalisahan sa Pagsasalita (be p. 135 ¶1–p. 137 ¶2)
Blg. 1: Kung Paano Ka Makagagawa ng Mabubuting Pasiya (w01 9/1 p. 27-30)
Blg. 2: 2 Corinto 8:1-21
Blg. 3: Ano ba ang Nangyayari sa Kaluluwa Pagkamatay?
Blg. 4: Mga Kasulatan na May Kaugnayan sa Saloobin ng Isang Kristiyano sa Digmaan (rs p. 249 ¶1-4)
Set. 29 Pagbasa sa Bibliya: Galacia 1-6 Awit 163
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Magkakaroon ng Tindig (be p. 137 ¶3–p. 138 ¶5)
Blg. 1: Ang Malaking Kahalagahan ng mga Saligang Petsa (si p. 282-3 ¶27-30)
Blg. 2: w01 9/1 p. 15 ¶8–p. 17 ¶11
Blg. 3: Sa Ilalim ng Anong mga Kalagayan Pinahintulutan ng Diyos na Makipagdigma ang mga Israelita? (rs p. 249 ¶5–p. 250 ¶4)
Blg. 4: Kung Paano Natin Nalalaman na Namamahala ang Kaharian ng Diyos
Okt. 6 Pagbasa sa Bibliya: Efeso 1-6 Awit 99
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Pampalakas ng Boses (be p. 139 ¶1–p. 140 ¶1)
Blg. 1: Ang Pag-aaral ay Kapaki-pakinabang (be p. 31 ¶3–p. 32 ¶3)
Blg. 2: Efeso 2:1-22
Blg. 3: Makatuwiran ang Manampalataya sa Diyos
Blg. 4: Anong mga Kasulatan ang Nakaiimpluwensiya sa Saloobin ng Isang Kristiyano sa Pakikibahagi sa Pulitikal na mga Isyu? (rs p. 251 ¶1-5)
Okt. 13 Pagbasa sa Bibliya: Filipos 1-4–Colosas 1-4 Awit 105
Kalidad sa Pagsasalita: Gamiting Mabuti ang mga Mikropono (be p. 140 ¶2–p. 142 ¶1)
Blg. 1: Lumakad sa ‘Landas ng Katapatan’ (w01 9/15 p. 24-8)
Blg. 2: Filipos 2:1-24
Blg. 3: Anong mga Kasulatan ang Nakaiimpluwensiya sa Saloobin ng Isang Kristiyano sa mga Seremonyang Makabayan? (rs p. 252 ¶1–p. 253 ¶2)
Blg. 4: Kung Ano ang Hinihiling ni Jehova sa Atin sa Ngayon
Okt. 20 Pagbasa sa Bibliya: 1 Tesalonica 1-5–2 Tesalonica 1-3 Awit 145
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Bibliya sa Pagsagot (be p. 143 ¶1-3)
Blg. 1: Ang Pangmalas ni Jehova sa Panahon (si p. 283-4 ¶31-3)
Blg. 2: w01 10/15 p. 23 ¶6–p. 24 ¶9
Blg. 3: Sino ang Nagtutungo sa Langit?
Blg. 4: Ang Kanila Bang Neutralidad ay Nangangahulugan na ang mga Kristiyano ay Hindi Interesado sa Kapakanan ng Kanilang Kapuwa? (rs p. 253 ¶3)
Okt. 27 Pagbasa sa Bibliya: 1 Timoteo 1-6–2 Timoteo 1-4 Awit 46
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Susulong sa Paggamit ng Bibliya (be p. 144 ¶1-4)
Tanong-Sagot na Repaso
Nob. 3 Pagbasa sa Bibliya: Tito 1-3–Filemon 1-25 Awit 30
Kalidad sa Pagsasalita: Paghimok na Gamitin ang Bibliya (be p. 145-6)
Blg. 1: Kung Paano Gagawin ang Pagsasaliksik sa Bibliya (be p. 33 ¶1–p. 35 ¶2)
Blg. 2: Filemon 1-25
Blg. 3: Magiging Nakababagot Kaya ang Mabuhay sa Kasakdalan?
Blg. 4: Bakit ang Pangalang Jehova ay Ginagamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Bagong Sanlibutang Salin? (rs p. 255 ¶5–p. 256 ¶2)
Nob. 10 Pagbasa sa Bibliya: Hebreo 1-8 Awit 149
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Mabisang Pagpapakilala sa Kasulatan (be p. 147 ¶1–p. 148 ¶2)
Blg. 1: Si Enoc ay Lumakad na Kasama ng Diyos sa Isang Di-Makadiyos na Sanlibutan (w01 9/15 p. 29-31)
Blg. 2: Hebreo 2:1-18
Blg. 3: i Pagtugon sa mga Nagsasabing, ‘May Sarili Kayong Bibliya’ (rs p. 256 ¶4–p. 257 ¶3)
Blg. 4: Paano Hahatulan ang mga Binuhay-Muli Ayon sa Kanilang mga Gawa?
Nob. 17 Pagbasa sa Bibliya: Hebreo 9-13 Awit 144
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpili ng Angkop na mga Komento Upang Maipakilala ang Kasulatan (be p. 148 ¶3–p. 149 ¶3)
Blg. 1: Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Matapat? (w01 10/1 p. 20-3)
Blg. 2: Hebreo 9:11-28
Blg. 3: Organisado ba ang Makalangit na mga Nilalang ng Diyos? (rs p. 258 ¶2-3)
Blg. 4: Kung Bakit Kapaki-pakinabang ang Pagsasagawa ng Makadiyos na Paggawi
Nob. 24 Pagbasa sa Bibliya: Santiago 1-5 Awit 88
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Wastong Pagdiriin ay Nagsasangkot ng Damdamin (be p. 150 ¶1-2)
Blg. 1: Pagsukat sa mga Pangyayari sa Agos ng Panahon (si p. 284-5 ¶1-4)
Blg. 2: w01 11/1 p. 12 ¶15–p. 13 ¶19
Blg. 3: Ang Kahalagahan ng Kahinhinan
Blg. 4: Paano Pinarating ng Diyos sa Kaniyang mga Lingkod sa Lupa ang mga Tagubilin Noong Unang Panahon? (rs p. 258 ¶4–p. 259 ¶1)
Dis. 1 Pagbasa sa Bibliya: 1 Pedro 1-5–2 Pedro 1-3 Awit 54
Kalidad sa Pagsasalita: Idiin ang Wastong mga Salita (be p. 150 ¶3–p. 151 ¶2)
Blg. 1: Pag-aralang Gamitin ang Iba Pang mga Kasangkapan sa Pagsasaliksik (be p. 35 ¶3–p. 38 ¶4)
Blg. 2: 1 Pedro 1:1-16
Blg. 3: Ipinakikita ba ng Bibliya na ang Tunay na mga Kristiyano ay Magiging Organisado? (rs p. 259 ¶3–p. 260 ¶3)
Blg. 4: Kung Paano Dapat Maapektuhan ng Haing Pantubos ni Kristo ang Ating Buhay
Dis. 8 Pagbasa sa Bibliya: 1 Juan 1-5; 2Ju 1-13; 3Ju 1-14–Judas 1-25 Awit 22
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paraan ng Pagdiriin (be p. 151 ¶3–p. 152 ¶5)
Blg. 1: Ingatan ang Iyong Budhi (w01 11/1 p. 4-7)
Blg. 2: 1 Juan 3:1-18
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Masisisi ang Bibliya sa Walang-Galang na Pakikitungo sa mga Babae
Blg. 4: Ang mga Tapat na Lingkod ba ng Diyos ay Kabilang Lamang sa Iba’t Ibang mga Simbahan ng Sangkakristiyanuhan? (rs p. 260 ¶4–p. 261 ¶1)
Dis. 15 Pagbasa sa Bibliya: Apocalipsis 1-6 Awit 219
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Ikinapit ang Kasulatan (be p. 153 ¶1–p. 154 ¶3)
Blg. 1: Hinahatulan ng Pananampalataya ni Noe ang Sanlibutan (w01 11/15 p. 28-31)
Blg. 2: Apocalipsis 2:1-17
Blg. 3: Paano Makikilala ang Nakikitang Bahagi ng Organisasyon ni Jehova? (rs p. 261 ¶2-8)
Blg. 4: Kung Bakit ang Pasko ay Hindi Para sa mga Kristiyano
Dis. 22 Pagbasa sa Bibliya: Apocalipsis 7-14 Awit 6
Kalidad sa Pagsasalita: Ginagawang Malinaw ang Pagkakapit ng Kasulatan (be p. 154 ¶4–p. 155 ¶4)
Blg. 1: Maiiwasan Mo ang Espirituwal na Atake sa Puso (w01 12/1 p. 9-13)
Blg. 2: w01 12/15 p. 17 ¶10–p. 18 ¶13 (kasama ang talababa)
Blg. 3: Kung Paano Haharapin ang Panggigipit ng mga Kasamahan
Blg. 4: Paano Natin Maipakikita ang Paggalang sa Organisasyon ni Jehova? (rs p. 261 ¶9–p. 262 ¶4)
Dis. 29 Pagbasa sa Bibliya: Apocalipsis 15-22 Awit 60
Kalidad sa Pagsasalita: Mangatuwiran Mula sa Kasulatan (be p. 155 ¶5–p. 156 ¶5)
Tanong-Sagot na Repaso
[Mga Talababa]
a Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
b Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
c Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
d Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
e Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
f Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
g Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
h Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.
i Kung may oras pa, isaalang-alang ang mga sagot sa mga pag-aangkin, pagtutol, at sa iba pang tugon ng may-bahay na pinakamabisang makasasapat sa mga pangangailangan sa lokal na teritoryo.