Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng isang Pulong sa Paglilingkod para sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng pagbabago kung kinakailangan upang magbigay-daan sa pagdalo sa pandistritong kombensiyon. Sa buwan ng Pebrero 2003, isasaayos ang isang buong Pulong sa Paglilingkod upang repasuhin ang mga tampok na bahagi sa programa ng kombensiyon. Bilang paghahanda sa pakikipagtalakayang iyon, tayong lahat ay maaaring kumuha ng mga nota sa kombensiyon, lakip na ang espesipikong mga punto na nais nating ikapit nang personal sa ating sariling buhay at sa ministeryo. Sa gayon, maipaliliwanag natin kung paano natin ikinakapit ang mga mungkahing ito mula nang dumalo tayo sa kombensiyon.
Linggo ng Nobyembre 11
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Nobyembre 15 ng Bantayan at ang Nobyembre 22 ng Gumising!
15 min: Mga Tagasuporta ng Tunay na Pagsamba—Noon at Ngayon. Pahayag salig sa Nobyembre 1, 2002, Bantayan, pahina 26-30.
20 min: “Sapatan ang Iyong Espirituwal na Pangangailangan.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Isaalang-alang ang paalaala sa itaas hinggil sa repaso na pinaplano para sa Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero 2003, at pasiglahin ang lahat na maghanda para rito.
Awit 114 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 18
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Talakayin ang kahon na “Napakagandang Basahin!”
13 min: Pahayag ng isang may-kakayahang matanda sa “Tanong” sa pahina 7.
20 min: “Tulungan ang Iyong Tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.”a Gagampanan ng isang matanda na tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Kapag tinatalakay ang parapo 3, ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 70.
Awit 31 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 25
10 min: Lokal na mga patalastas. Itatanghal ng isang mag-asawa na magkasamang naglilingkod sa larangan kung paano gagamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang ialok ang magasing Disyembre 1 at Disyembre 8.
15 min: “Ipaalam ang Katotohanan Tungkol kay Jesus.”b Ilakip ang mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 278. Pasiglahin ang lahat na dalhin ang kanilang aklat-aralin sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo para sa bahaging “Isang Paaralan na Naghahanda sa Atin Ukol sa Pinakamahahalagang Gawain.”
20 min: “Magpakita ng Maibiging Interes sa ‘mga Batang Lalaking Walang Ama.’ ” Pasimulan sa pamamagitan ng tatlong-minutong pahayag hinggil sa pangmalas ni Jehova sa mga batang lalaki’t babae na walang ama, salig sa parapo 1 at sa Insight, Tomo 1, pahina 816. Isaalang-alang ang natitirang bahagi ng artikulo sa pamamagitan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan. Kapag tinatalakay ang parapo 3-4, ilakip ang maiikling komento na nasa Oktubre 8, 1995, Gumising!, pahina 8-9.
Awit 142 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 2
8 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin sa maikli ang isang presentasyon na magagamit kapag iniaalok ang aklat na Pinakadakilang Tao.—Tingnan ang Hunyo 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8.
12 min: Lokal na mga pangangailangan.
25 min: “Isang Paaralan na Naghahanda sa Atin Ukol sa Pinakamahahalagang Gawain.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paaralan. Pasidhiin ang pananabik para sa bagong programa sa paaralan, na magsisimula sa Enero. Itawag-pansin ang mga pitak ng “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2003,” na nasa insert ng Oktubre 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Ibuod ang mga kahilingan sa pagpapatala sa paaralan, gaya ng nakasaad sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 282, at pasiglahing magpatala yaong mga kuwalipikado na hindi pa nakapagpatala.
Awit 127 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.