Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina ay maaaring ialok. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Pebrero: Alinman sa aklat na Creation o aklat na Apocalipsis Kasukdulan Nito ay maaaring ialok. Marso: Iaalok ang aklat na Kaalaman taglay ang pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na kanilang ihahatid nang palagian ang mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan ang mga kongregasyon upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Miyerkules, Abril 16, 2003, pagkalubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula hangga’t hindi lumulubog ang araw. Bagaman kanais-nais na magdaos ang bawat kongregasyon ng sarili nitong pagdiriwang ng Memoryal, maaaring hindi ito laging posible. Kapag maraming kongregasyon ang karaniwang gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay maaaring kumuha ng iba pang pasilidad para gamitin sa gabing iyon.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa panahon ng Memoryal sa 2003 ay ibibigay sa Linggo, Abril 27, 2003. Isang balangkas ng pahayag ang ilalaan para sa mga tagapagsalita sa takdang panahon. Ang mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magkakaroon ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang dapat magdaos ng pantanging pahayag bago ang Abril 27, 2003.
◼ Yamang ang Abril at Mayo ay mga pantanging buwan sa pag-aalok ng magasin at marami ang makikibahagi sa gawaing auxiliary pioneer sa panahong iyon, dapat isaalang-alang na ngayon ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng kapatid na nangangasiwa sa magasin ang pagpidido ng ekstrang mga magasin para magamit ng kongregasyon sa mga buwang iyon. Pakisuyong ipadala ang inyong mga special order upang makarating ang mga ito sa sangay sa Pebrero 1, 2003. Ito ang titiyak na matatanggap ninyo ang ekstrang mga magasin kasabay ng inyong regular na pidido.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index—2001—Ingles