Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/03 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Subtitulo
  • Linggo ng Enero 13
  • Linggo ng Enero 20
  • Linggo ng Enero 27
  • Linggo ng Pebrero 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 1/03 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Enero 13

Awit 69

13 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano itatampok ang Enero 15 ng Bantayan at ang Enero 22 ng Gumising!

22 min: Mawagi Nang Walang Salita. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Isang napakabisang patotoo ang mainam na Kristiyanong paggawi. Napakilos nito ang ilang di-sumasampalatayang asawa na maging mga mananamba ni Jehova. (1 Ped. 3:​1, 2) Ilahad ang mga karanasang masusumpungan sa Enero 1, 1999, Bantayan, pahina 4; sa Oktubre 1, 1995, Bantayan, pahina 10-11; at sa 1995 Yearbook, pahina 46. Isaayos nang patiuna na magkomento ang dalawa o tatlong kapatid hinggil sa mabubuting resulta na nakita nila mula sa pagsunod sa payo ng Bibliya hinggil sa bagay na ito.

10 min: “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.” Pahayag na may pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ipatalastas ang petsa ng susunod na pantanging araw ng asamblea at pasiglahin ang lahat na dumalo at anyayahan ang bagong mga interesado at mga estudyante sa Bibliya.

Awit 22 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 20

Awit 44

8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Sinusuri Mo ba ang Kasulatan Araw-araw? Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Pasiglahin ang lahat na gamiting mabuti ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw​—2003. Talakayin ang mga komento mula sa paunang salita, pahina 3-4. Magbigay ng mga mungkahi kung paano maaaring sama-samang talakayin ng mga pamilya ang teksto. Upang ipakita ang mga pakinabang sa pagsasaalang-alang ng teksto sa bawat araw, talakayin ang dalawa o tatlong halimbawa ng teksto at mga komento na nakaiskedyul sa susunod na buwan. Ilakip ang maikling pagtatanghal ng isang mag-asawa na magkasamang nagsasaalang-alang ng teksto at mga komento sa araw na ito.

22 min: “Ituro sa Iba ang Dalisay na Wika.”a Pagkatapos talakayin ang parapo 6, ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag kung paano makapagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa pintuan kapag dumadalaw-muli, na ginagamit ang isa sa mga presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002, pahina 4. Ilakip ang pagtalakay sa isang parapo sa brosyur na Hinihiling. Magtatapos ang mamamahayag sa pamamagitan ng pagbabangon ng isang tanong sa susunod na parapo at pagsasaayos na sagutin ito sa susunod na pagdalaw.

Awit 68 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 27

Awit 92

10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano itatampok ang Pebrero 1 ng Bantayan at ang Pebrero 8 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, magtatapos ang mamamahayag sa pamamagitan ng pagbibigay sa may-bahay ng tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? Ipaliwanag sa maikli kung paano natin masusubaybayan ang naipasakamay na mga magasin kapag iniwan natin ang tract.​—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Disyembre 2001, p. 4, par. 10.

20 min: Lokal na mga pangangailangan.

15 min: “Paghingi ng Paumanhin​—Isang Susi sa Pakikipagpayapaan.” Isang pahayag salig sa artikulo sa Bantayan ng Nobyembre 1, 2002, pahina 4-7.

Awit 124 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 3

Awit 9

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga punto sa “Tanong” sa pahina 3. Pasiglahin ang mga mamamahayag na gamitin ang Please Follow Up (S-43) form kapag nakatagpo sila ng mga taong nagsasalita ng banyagang wika. Sa pangkalahatan, ang form ay dapat gamitin para sa layuning ito kahit na ang indibiduwal ay hindi nagpakita ng interes sa mensahe ng Kaharian.

15 min: “Pagtupad sa Ating Pag-aalay.”b Pagkatapos talakayin ang parapo 3, kapanayamin sa maikli ang isang kabataang adulto o tin-edyer na bautisado. Anong mga hamon ang napaharap sa kaniya mula nang siya ay nabautismuhan? Ano ang nakatulong sa kaniya na mapagtagumpayan ang mga hamong iyon? Paano siya nakinabang mula sa pag-aalay ng kaniyang buhay kay Jehova?

15 min: Tularan ang Kanilang Pananampalataya. Kapanayamin ang isang elder na may-kapakumbabaan at may-katapatang naglilingkod kay Jehova sa loob ng maraming taon. (Heb. 13:7) Paano niya nalaman ang katotohanan? Anong mga hadlang ang kinailangan niyang pagtagumpayan upang makapanindigan sa katotohanan? Anong espirituwal na mga paglalaan o pampatibay-loob ang nakatulong sa kaniya na sumulong? Ano ang ginawa niya upang makaabot siya sa katungkulan ng tagapangasiwa sa kongregasyon? (1 Tim. 3:1) Ano ang nakatulong sa kaniya na timbangin ang mga pananagutan sa kongregasyon at mga obligasyon sa pamilya? (1 Tim. 5:8) Ano ang nadarama niya hinggil sa pribilehiyo ng pagtulong sa iba sa loob ng kongregasyon?

Awit 133 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share