Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/03 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 10
  • Linggo ng Marso 17
  • Linggo ng Marso 24
  • Linggo ng Marso 31
  • Linggo ng Abril 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 3/03 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Marso 10

Awit 5

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Marso 15 ng Bantayan at ang Marso 22 ng Gumising!

15 min: Pakikinabang Mula sa 2003 Taunang Aklat. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Talakayin ang mga tampok na bahagi ng “Isang Liham Mula sa Lupong Tagapamahala,” sa pahina 3-5. Banggitin ang mga tampok na bahagi mula sa pambuong-daigdig na ulat. Pasiglahin ang mga pamilya na basahin nang tuluy-tuloy ang buong aklat sa taóng ito. Magmungkahi ng mga paraan kung paano natin magagamit ang aklat upang akayin ang mga baguhan sa organisasyon ni Jehova at pasiglahin silang dumalo sa mga pulong.

20 min: “Maging Masigasig sa Mabuti!”a (Parapo 1-​12) Matapos talakayin ang parapo 6, itanghal sa maikli ang pag-aanyaya ng mamamahayag sa isang kamag-anak, kapitbahay, kaeskuwela, o katrabaho upang dumalo ito sa Memoryal, na ginagamit ang nakalimbag na paanyaya.

Awit 19 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 17

Awit 34

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Maging Matalino sa Pagpili ng Iyong mga Kasama. Pahayag ng isang matanda salig sa Pebrero 22, 1997, ng Gumising!, pahina 13, at sa materyal sa ilalim ng uluhang “Masasamang mga Kasama” sa pahina 304 ng aklat na Nangangatuwiran.

20 min: “Maging Masigasig sa Mabuti!”b (Parapo 13-​26) Pangangasiwaan ng punong tagapangasiwa. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 14, itanghal sa maikli ang nakapagpapatibay na pagdalaw ng isang matanda sa isang may-kapansanang kapatid na lalaki, anupat may-kabaitan niyang ipinaliliwanag kung paano maaaring makibahagi ang kapatid na lalaki sa pinag-ibayong gawain ng kongregasyon sa panahon ng Memoryal.

Awit 53 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 24

Awit 72

10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Abril 1 ng Bantayan at ang Abril 8 ng Gumising!

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Maging Matino sa Pag-iisip Habang Papalapit ang Wakas.”c Kapag tinatalakay ang parapo 3-4, anyayahan ang mga mamamahayag na ilahad kung anong espirituwal na mga tunguhin ang kanilang itinataguyod sa kasalukuyan. Ilakip ang mga komento sa pahina 176 ng aklat na Sambahin ang Diyos.

Awit 121 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 31

Awit 130

12 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang “Mga Paalaala sa Memoryal.”

13 min: Lokal na mga karanasan. Anyayahan ang kongregasyon na maglahad ng mga karanasang natamasa sa panahon ng pinag-ibayong gawain sa Marso. Pasiglahin ang lahat na lubusang makibahagi sa Abril.

20 min: “Si Jehova ay Lubhang Marapat na Purihin.”d Idiin ang kahalagahan ng Memoryal. Ipaliwanag ang maaaring gawin upang makausap ang mga di-aktibo para muling mapasigla ang kanilang interes.

Awit 173 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 7

Awit 191

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Kung Paano Mangangatuwiran Mula sa Kasulatan. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Paano natin malilinang ang kakayahang mangatuwiran nang mabisa sa ministeryo? (1) Kumuha ng mahusay na kaalaman sa Kasulatan sa pamamagitan ng regular na personal na pag-aaral at pagdalo sa pulong. (2) Bulay-bulayin ang iyong natututuhan, anupat sinusuri ang mga katotohanan mula sa iba’t ibang pangmalas. (3) Hanapin hindi lamang ang mga paliwanag sa mga kasulatan kundi maging ang maka-Kasulatang mga dahilan para rito. (4) Isaalang-alang kung paano mo ipaliliwanag ang mga kasulatan sa iba’t ibang uri ng tao. (5) Pag-isipan kung paano mo maaaring ilarawan ang ilang punto.

20 min: “Kung Paano Tayo Pinalalaya ng Katotohanan.”e Ilakip ang mga komento sa kahon sa pahina 6 ng Oktubre 1, 1998, ng Bantayan.

Awit 217 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share