Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Mayo 12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano itatampok ang Mayo 15 ng Bantayan at Mayo 22 ng Gumising! Banggitin din sa may-bahay ang kaayusan sa donasyon.
20 min: Mga Magulang—Tulungang Sumulong ang Inyong mga Anak. Isang pahayag na tumatalakay sa mga tampok na bahagi mula sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 9-12 at 21-38. Pasiglahin ang mga magulang na gamitin ang ilan sa mga materyal na ito sa kanilang pampamilyang pag-aaral, taglay ang tunguhing sanayin ang kanilang mga anak na sumulong sa ministeryo.
15 min: “Pinagkatiwalaan ng Mabuting Balita.”a Isaayos nang patiuna na maipaliwanag sa maikli ng isa o dalawang mamamahayag kung paano nila binago ang kanilang personal na mga kalagayan upang mapasulong ang kanilang pakikibahagi sa gawaing pangangaral.
Awit 46 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 19
15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Talakayin ang “Internasyonal na Pagtatayo ng Kingdom Hall sa Ilang Lupain sa Europa.” Banggitin na ang pagtatayo ng mga Kingdom Hall sa lokal na teritoryo ng sangay ay sinusuportahan ng mga kontribusyon sa Kingdom Hall Fund.
15 min: “Mga Tanong.” Isang pahayag. Repasuhin sa maikli ang ilang mungkahi para sa mga presentasyon sa telepono na lumabas sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2001, pahina 6, parapo 10-13.
15 min: “Purihin si Jehova sa Pamamagitan ng Di-pormal na Pagpapatotoo.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Kapag tinatalakay ang parapo 3, tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang maaaring sabihin para mapasimulan ang isang pag-uusap sa Bibliya sa ilang sumusunod na kalagayan: (1) habang namimili, (2) habang nakasakay sa pampublikong transportasyon, (3) sa isang kapitbahay na may ginagawa sa bakuran, (4) sa isang katrabaho sa iyong pinagtatrabahuhan, at (5) sa isang kaklase sa paaralan. Isaayos nang patiuna na mailahad ang isang lokal na karanasan na nagpapakita kung paano matagumpay na nakapagpatotoo sa di-pormal na paraan ang isang mamamahayag.
Awit 135 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 26
10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Hunyo 1 ng Bantayan at Hunyo 8 ng Gumising!
15 min: Tulungan ang Iba na Maging Malapít kay Jehova. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Iaalok natin ang bagong aklat na ito sa Hunyo. Talakayin ang mga pananalita sa pahina 3, at itampok ang ilan sa mga katangian ng aklat. Bawat isa sa apat na seksiyon ng aklat ay nagtutuon ng pansin sa isa sa pangunahing mga katangian ni Jehova. Ito ay may 17 buong-pahinang ilustrasyon ng mga eksena sa Bibliya. Repasuhin ang kahon na “Mungkahing mga Presentasyon Para sa Maging Malapít kay Jehova,” at ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag ang isa sa mga presentasyon.
20 min: “Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan.”b Gamitin ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 4, ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag kung paano gagamitin ang Bibliya sa unang pagdalaw, na ginagamit ang ilan sa mga mungkahi na lumabas sa artikulong “Gamitin Nang Wasto ang Salita ng Diyos.”—km 12/01 p. 1 par. 3-4.
Awit 188 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang isa o dalawang mungkahi mula sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Mayo 2002 para sa paghaharap ng brosyur na Hinihiling at aklat na Kaalaman.
20 min: Marangal na Pag-aasawa—Isang Kahilingan ng Diyos. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Sa maraming lupain, karaniwan nang nagsasama ang lalaki’t babae nang di-kasal. Itampok ang pangmalas ng Bibliya, na idiniriin na ang pag-aasawa ay nagmula sa Diyos. (rs p. 262-3; p. 248-9 sa Ingles) Ang pagsasama nang di-kasal ay pakikiapid. (fy p. 17) Salungat sa paniwala ng marami, ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pagsasama bago ang kasal ay nagpapababa sa posibilidad na magtagumpay ang pag-aasawa. (g02 3/8 p. 29; g92 9/8 p. 28; g91 5/8 p. 28) Pinararangalan ng mga Kristiyano si Jehova sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang mga pamantayan. Sa paggawa nito, nakikinabang din sila mismo.—Isa. 48:17, 18.
15 min: Paano Ka Nakikinabang? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paaralan. Simula noong Enero, inumpisahan natin ang bagong kaayusan para sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Itampok ang positibong mga resulta na nakita na. Dumami ba ang nagpatala sa paaralan? Naging mas sabik ba silang makibahagi? Paano nakikinabang ang mga estudyante sa bagong mga kaayusan sa pagbibigay ng payo? Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad kung paano sila personal na nakinabang sa bagong programa.
Awit 225 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.