Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/03 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hunyo 9
  • Linggo ng Hunyo 16
  • Linggo ng Hunyo 23
  • Linggo ng Hunyo 30
  • Linggo ng Hulyo 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 6/03 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hunyo 9

Awit 81

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Hunyo 15 ng Bantayan at Hunyo 22 ng Gumising!

15 min: “Ang Ministeryong Kristiyano​—Ang Ating Pangunahing Gawain.”a Pasiglahin ang mga kabataan na pag-isipan ang mga pagpapala na maaari nilang tamasahin sa pagpasok sa buong-panahong paglilingkod. Ilakip ang mga komento na nasa materyal sa ilalim ng subtitulong “Kapag Nagkasalungatan ang Kultura at Budhi,” sa Nobyembre 1, 2000, Bantayan, pahina 19-20.

20 min: “Pagreretiro​—Isang Pinto na Umaakay sa Ibayong Gawain?”b Kung posible, ilakip ang maikling panayam sa isang mamamahayag na ginamit ang pagreretiro sa sekular na trabaho upang gumawa ng higit pa sa paglilingkod kay Jehova.

Awit 190 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 16

Awit 55

8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

12 min: Lokal na mga pangangailangan.

25 min: “Maging Masikap sa ‘Lubusang Pagpapatotoo.’ ”c Gamitin ang inilaang mga tanong. Matapos talakayin ang parapo 5 at 6, ilakip ang isang maikling pagtatanghal ng pagpapatotoo nang di-pormal sa isang nagtitinda at pag-aalok ng tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? Bago talakayin ang parapo 7 at 8, ipabasa ang mga ito nang malakas.

Awit 131 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 23

Awit 95

10 min: Lokal na mga patalastas. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 1 ng Bantayan at Hulyo 8 ng Gumising! Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita na ang mamamahayag ay nakikibahagi sa pagpapatotoo sa lansangan.

20 min: Ano Kaya ang Magagawa Tungkol sa Panghihina ng Loob? Isang pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa Nobyembre 15, 1999, Bantayan, pahina 28-9, hanggang sa kabuuan ng subtitulong “Pagpapanatili ng Isang Mabuting Saloobin.” Isaayos nang patiuna na ipaliwanag ng isa o dalawang mamamahayag na mabisa sa pagpapatotoo kung ano ang nakatutulong sa kanila upang mapanatili ang kagalakan sa kanilang ministeryo.

15 min: “Pangangaral sa Isang Pabagu-bagong Daigdig.”d Kapag tinatalakay ang parapo 2-3, tanungin ang mga tagapakinig kung anong kasalukuyang mga pangyayari ang magagamit upang pasimulan ang mga pakikipag-usap sa lokal na teritoryo. Kapag tinatalakay ang parapo 4, magkaroon ng isang maikling pagtatanghal, na ginagamit ang isa sa mga presentasyong nabanggit.

Awit 15 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 30

Awit 3

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang alok na literatura para sa Hulyo at Agosto. Itampok ang brosyur na Kasiya-siyang Buhay at isa pang brosyur na nasa stock ng kongregasyon. Magkaroon ng inihandang-mabuti na mga pagtatanghal kung paano iaalok ang mga ito sa ministeryo.

15 min: “May Kapansanan​—Ngunit Mabunga.”e Ilakip ang mga komento kung paano makatutulong ang iba, salig sa Agosto 22, 1990, Gumising!, pahina 22-3, sa ilalim ng subtitulong “Ano ang Maaaring Gawin?”

20 min: Mabisang Gamitin ang Salita ng Diyos sa Pangangaral ng Kaharian. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Sa bawat taong nakakausap natin sa ating ministeryo, sinisikap nating ibahagi ang isang nakapagpapatibay na maka-Kasulatang kaisipan tungkol sa Kaharian. Gayunman, higit pa ang dapat nating gawin kaysa sa basta basahin ang mga teksto sa Bibliya. Kailangan nating ipaliwanag, ilarawan, at ikapit ang mga ito. Ipakita kung paano ito magagawa, na ginagamit bilang mga halimbawa ang ilan sa mga kasulatang binanggit sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 309-10 (p. 154-5 sa Ingles), sa ilalim ng nakaitalikong subtitulong “Hindi nailalaan ng mga pinuno ang mga mahihigpit na pangangailangan ng tao.” Pagkatapos ng pagtalakay, ipatanghal sa isang mamamahayag na naghandang mabuti kung paano gagamitin nang mabisa ang isang kasulatan sa pagdalaw-muli, anupat nagbibigay ng isang maikling paliwanag, isang simpleng ilustrasyon, at isang maikling pagkakapit na nagpapakita sa may-bahay kung paano siya personal na makikinabang sa pamamahala ng Kaharian. Simulan ang pagtatanghal sa eksenang binabasa na ng mamamahayag ang kasulatan. Pasiglahin ang lahat na linangin ang kakayahan na mabisang gamitin ang Salita ng Diyos.

Awit 171 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 7

Awit 165

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga karanasan. Ilahad ang naging mga karanasan ng lokal na mga mamamahayag nang (1) makapagpatotoo sila sa mga tao na nagsasalita ng ibang wika o (2) makapagpatotoo sila sa ibang mga tagpo maliban sa gawaing bahay-bahay at pagpapatotoo sa lansangan.

25 min: “Pagpapakilala sa Banal na Pangalan.”f Gamitin ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 4, ilakip ang mga komento sa kahong “Pagpapakilala sa Pangalan ng Diyos,” na masusumpungan sa pahina 124 sa aklat na Tagapaghayag. Ipatanghal sa isang may-kakayahang mamamahayag ang isang pagdalaw-muli. Ginagamit ang dalawa o tatlong kasulatan mula sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 195-6 (p.196-7 sa Ingles), ipakita kung bakit mahalagang malaman at gamitin ang personal na pangalan ng Diyos.

Awit 197 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share