Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hunyo: Iaalok ang bagong aklat na Maging Malapít kay Jehova. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, ngunit makabubuti na pantanging itampok ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?
◼ Dapat panatilihin ng mga kalihim ng kongregasyon ang sapat na suplay ng mga form na Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Maaaring pididuhin ang mga ito sa Literature Request Form (S-14). Panatilihin ang di-kukulangin sa isang taóng suplay. Repasuhin ang lahat ng form sa pag-aaplay bilang regular pioneer upang matiyak na kumpleto ang mga ito. Kung hindi maalaala ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at ingatan ang isang rekord nito.
◼ Dapat tiyakin ng mga kalihim ng kongregasyon na nakasulat ang buong pangalan at numero ng kongregasyon gayundin ang buwan sa lahat ng form ng ulat at remittance na ipinadadala sa Samahan. Pakisuyong suriin ang mga form kung tumpak ang mga ito bago ito lagdaan at ipadala.