Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Mayo 5, 2003. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Mayo 5 hanggang Hunyo 30, 2003. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit mahalaga ang pagbabagu-bago ng tono ng boses kapag nagpapahayag, at paano ito magagawa? [be p. 111 kahon; p. 112 kahon]
2. Bagaman naniniwala ang isang tagapagsalita sa sinasabi niya at iniibig niya si Jehova, bakit maaaring magkulang pa rin siya sa sigla? [be p. 115 par. 3-4; p. 116 par. 1]
3. Ano ang tutulong sa isang tagapagsalita na maipadama ang init at damdamin sa isang pahayag, at bakit ito mahalaga? [be p. 119 par. 1-4]
4. Paano malalaman kung angkop ang damdamin, init, at iba pang emosyon na itinatawid sa isang pahayag? [be p. 120 par. 2-5]
5. Tama o Mali: Ang pagkumpas at ekspresyon ng mukha ay mahalaga lamang kung nakatingin ang mga tagapakinig sa iyo. Ipaliwanag. [be p. 121 par. 3]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang nakatulong kay Josias na piliin ang tamang landasin sa kabila ng di-kaayaayang panahon noong kaniyang pagkabata? (2 Cro. 34:1, 2) [w01 4/15 p. 26 par. 5–p. 27 par. 5; p. 28 par. 4]
7. Ano ang kahulugan ng Kawikaan 9:7, 8a, at paano ito maikakapit sa ministeryo sa larangan? [w01 5/15 p. 29 par. 4-5]
8. Ano ang ibig sabihin ni Jehova nang sabihin niya sa mga Israelita, ‘Huwag ninyong kalilimutan,’ at paano natin maiiwasang makalimot? (Deut. 4:9; 8:11) [be p. 20 par. 1-3]
9. Paano ipinakikita ng taimtim na pananalita ni David sa Awit 32:1, 5 at sa Awit 51:10, 15 na hindi naman dapat madama ng isang tao na siya’y walang kabuluhan pagkatapos niyang makagawa ng malubhang pagkakasala kung nagpakita siya ng tunay na pagsisisi? [w01 6/1 p. 30 par. 1-3]
10. Ano ang matututuhan tungkol sa pangangalaga sa mga nangangailangan mula sa mga tagubilin ni Pablo na binabanggit sa 1 Timoteo 5:3-16? [w01 6/15 p. 11 par. 1]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Ano ang tinutukoy ni Jesus nang gamitin niya ang pananalitang “maipanganak muli,” gaya ng nakaulat sa Juan 3:3? [w95 7/1 p. 9-10 par. 4-5]
12. Paano ginamit ni Jesus ang kaniyang edukasyon, at anong mahalagang aral ang matututuhan natin mula rito? (Juan 7:15-18) [w96 2/1 p. 9-10 par. 4-7]
13. Bakit hindi kalakip ang Juan 7:53–8:11 sa mismong teksto ng Bagong Sanlibutang Salin?
14. Paano “darating [si Jesus] sa katulad na paraan” kung paanong umakyat siya sa langit? (Gawa 1:11) [w90 6/1 p. 11 par. 5]
15. Bakit “wala ni isa man sa mga iba ang nagkaroon ng lakas ng loob na makisama sa [mga alagad],” gaya ng binabanggit sa Gawa 5:13?