Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/03 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 7/03 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, ngunit makabubuti na pantanging itampok ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay​—Kung Paano Ito Matatamo. Setyembre: Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na palagian silang maghahatid ng mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.

◼ Sa Sabado, Agosto 30, 2003, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang opisina ay isasara sa umagang iyon at walang mga tour na isasagawa sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara rin sa umagang iyon.

◼ 2003 Taunang Aklat: Marami pa tayong suplay sa tanggapang pansangay ng 2003 Taunang Aklat sa Ingles, Cebuano, Iloko, at Tagalog. Dapat itong ipatalastas ng matatanda sa kanilang kongregasyon at alamin kung ilan pa ang kinakailangan upang masuplayan ang lahat ng pamilya sa kongregasyon. Gayundin, pasiglahin ang mga mamamahayag na pumidido ng ilang kopya upang maibigay sa kanilang mga estudyante sa Bibliya, yamang kalakip sa Taunang Aklat ang kasaysayan ng gawain sa Pilipinas, at magpapaningas ito sa kanilang pagpapahalaga sa organisasyon. Kapag nalaman kung ilan ang kailangan at kung anong wika ang mga ito, dapat pumidido kaagad ang mga tagapag-ugnay sa literatura, na ginagamit ang Literature Request Form (S-AB-14).

◼ Simula sa unang linggo ng Setyembre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Pagliligtas Mula sa Sanlibutan ng Kadiliman” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon. (Pansinin ng mga Tagapangasiwa ng Sirkito: Ito ay mas maaga nang isang buwan kaysa sa naunang naipatalastas at maaaring mangahulugan ito na hindi mapakikinggan ng ilang kongregasyon sa inyong sirkito ang kasalukuyang pahayag pangmadla. Ang bagong pahayag na ito ay gagamitin simula sa Setyembre 2003 hanggang sa katapusan ng Pebrero 2004.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share