Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Hulyo 14
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang makatotohanang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Hulyo 15 ng Bantayan at Hulyo 22 ng Gumising! sa teritoryo ng kongregasyon.
15 min: Paano Nagiging Higit na Makabuluhan ang Ating Buhay Dahil sa Pagsamba kay Jehova? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Ang tunay na pagsamba ang susi sa isang maligaya at makabuluhang buhay. (1) Tinutulungan tayo nito na maharap ang mga problema at kabalisahan sa buhay. (Fil. 4:6, 7) (2) Pinasisigla tayo nito na linangin ang makadiyos na mga katangian. (2 Ped. 1:5-8) (3) Tinutulungan tayo nito na gamitin ang ating panahon at mga tinataglay sa pinakakapaki-pakinabang na paraan. (1 Tim. 6:17-19) (4) Nagbibigay ito ng tiyak na pag-asa sa hinaharap. (2 Ped. 3:13) (5) Pinangyayari nito na malinang natin ang isang malapít na kaugnayan kay Jehova. (Sant. 4:8) Sa kabaligtaran, talakayin kung bakit hindi ito tinatamasa ng mga hindi nakakakilala o naglilingkod kay Jehova.
20 min: “Pasasalamat sa Awa ng Diyos.”a Kapag tinatalakay ang parapo 3, magbigay ng mga mungkahi sa pagpapasimula ng ruta ng magasin, salig sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 1998, pahina 8. Tanungin ang isa o dalawang may-kakayahang mamamahayag kung anong paglapit ang nakita nilang mabisa sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Pasiglahin ang lahat na gawin nilang tunguhin na magpasimula at magdaos ng pag-aaral sa Bibliya.—om p. 91.
Awit 176 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Alalahanin ang Tapat na mga May-edad Na.”b Ilakip ang mga komento sa Agosto 1, 1994, Bantayan, pahina 29. Banggitin ang paglalaan para sa may-kapansanan na iulat ang kanilang oras sa paglilingkod sa larangan, ito man ay 15, 30, o 45 minuto. Isaayos na ilahad ng ilan ang mga karanasan na nagpapakita kung paanong ang pakikipagsamahan sa mga may-edad na ay nagdudulot ng mga pagpapala sa isa’t isa.
20 min: Tularan ang Kanilang Katapangan sa Pangangaral. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa aklat na Sambahin ang Diyos, pahina 170-1. Anyayahan ang mga tagapakinig na sagutin ang mga tanong sa parapo 7 at ilakip ang binanggit na mga kasulatan sa kanilang mga komento. Basahin ang pilíng mga teksto. Itampok ang mga aral na natutuhan natin mula sa mga salaysay na ito at kung paano tayo tinutulungan ng mga ito na magkaroon ng tamang pangmalas sa ating atas na mangaral.
Awit 201 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 28
10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat sa paglilingkod para sa buwan ng Hulyo. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano ihaharap ang Agosto 1 ng Bantayan at Agosto 8 ng Gumising! Sa isa sa mga pagtatanghal, ipakita na nagpapatotoo nang di-pormal ang mamamahayag.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Nagdudulot ng Kagalakan ang Panggrupong Pagpapatotoo.”c Kapag tinatalakay ang parapo 3, ilakip ang mga komento sa “Tanong” sa pahina 3 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre 2001. Kapanayamin sa maikli ang isang tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Itanong ang hinggil sa mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan na ginawa niya para sa kaniyang grupo ng pag-aaral sa aklat at kung paano nakikinabang ang grupo sa pagpapatotoo nang magkakasama.
Awit 36 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura sa buwang ito. Itanghal ang isa o dalawang maikling presentasyon na maaaring gamitin.
20 min: “Pag-aalok ng Literatura sa Teritoryo na Iba’t Iba ang Wika.”d Gamitin ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 3, itanghal ang isang simpleng presentasyon sa banyagang wika na ginagamit sa lokal na teritoryo.—km 7/02 p. 1 par. 4.
5 min: Pinupuri ng mga Kabataan si Jehova! Pahayag na may pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig at mga panayam. Nasisiyahan tayo sa pakikinig sa mga kabataan na nagbibigay ng inihandang-mabuting mga komento sa mga pulong. Kalugud-lugod ang kanilang kasipagan at pagsulong sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Ipinakikita nila ang tunay na pananampalataya habang nagbibigay sila ng mainam na patotoo sa ministeryo. Ang kanilang makadiyos na paggawi ay nagpaparangal kay Jehova. (yb88 p. 53-4) Ang kanilang espirituwal na pagsulong ay naglalatag ng pundasyon para sa mga pribilehiyo sa hinaharap. Kapanayamin sa maikli ang dalawa o tatlong kabataang Kristiyano na nasisiyahan sa regular na pakikibahagi sa mga gawain ng kongregasyon. Buong-kataimtimang papurihan ang mga kabataan sa kongregasyon sa kanilang maiinam na pagsisikap na purihin si Jehova.
Awit 49 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.