Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Agosto 25, 2003. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 7 hanggang Agosto 25, 2003. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Anu-anong pakinabang ang makukuha sa pagtingin sa mata habang nakikibahagi sa ministeryo? [be p. 125 par. 1-2; p. 125 kahon]
2. Kung kinakabahan ka bago makibahagi sa ministeryo, ano ang makatutulong sa iyo? [be p. 128 par. 4-5]
3. Ano ang tutulong sa iyo na makapagsalita sa isang natural at nakikipag-usap na paraan kapag nagpapahayag sa plataporma? [be p. 129 par. 2; p. 129 kahon]
4. Ano ang dapat maging epekto ng mga simulaing masusumpungan sa Levitico 16:4, 24, 26, 28; Juan 13:10; at Apocalipsis 19:8 sa ating personal na hitsura, at bakit ito mahalaga? [be p. 131 par. 3; p. 131 kahon]
5. Ilarawan ang isang taong mahinhin at may “katinuan ng pag-iisip.” (1 Tim. 2:9, 10) [be p. 132 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Bagaman kailangang pagtiisan ng mga Kristiyano ang isa’t isa, ano ang hindi nila pinahihintulutan sa gitna nila? (Col. 3:13) [w01 7/15 p. 22 par. 7-8]
7. Tama o Mali: Ang isang ordinal na numero ay isang buong bilang (whole number). Ipaliwanag. [si p. 282 par. 24-5]
8. Ano ang pinakadalisay na motibo na maaari nating taglayin sa pagbabasa ng Salita ng Diyos, at bakit mahalaga ang pagkakaroon ng gayong motibo? [be p. 24 par. 1]
9. Paano “nag-iingat ng kaalaman” ang marunong na tao? (Kaw. 10:14) [w01 7/15 p. 27 par. 4-5]
10. Bakit kapansin-pansin ang mabubuting kinaugalian ni Job? (Job 1:1, 8; 2:3) [w01 8/1 p. 20 par. 4]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Paano sumapit sa “lubos na pagkakaisa” ang mga miyembro ng lupong tagapamahala na ang mga mananampalatayang Gentil ay hindi hinihilingang magpatuli upang maligtas? (Gawa 15:25)
12. Bakit hinilingan ng lupong tagapamahala si Pablo na tuparin ang ilang kondisyon ng Kautusang Mosaiko samantalang pinawalang-bisa na ni Jehova ang Kautusan? (Gawa 21:20-26) [it-1 p. 481 par. 3; it-2 p. 1163 par. 6–p. 1164 par. 1]
13. Anu-anong maling paratang laban kay apostol Pablo ang nagpapaalaala sa atin ng mga komento laban sa mga Saksi ni Jehova nitong kamakailan? (Gawa 24:5, 6) [w01 12/15 p. 22 par. 7–p. 23 par. 2]
14. Paano nagpakita ng halimbawa si Pablo bilang isang tagapaghayag ng Kaharian kahit na nakabilanggo siya sa isang bahay sa loob ng dalawang taon? (Gawa 28:30, 31)
15. Sa anong paraan bahagi ng “kaayusan ng Diyos” ang “nakatataas na mga awtoridad,” at paano ito dapat makaapekto sa mga Kristiyano? (Roma 13:1, 2) [w00 8/1 p. 4 par. 5]