Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/03 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 8/03 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur, ngunit makabubuti na pantanging itampok ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay​—Kung Paano Ito Matatamo. Setyembre: Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular silang maghahatid ng mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Maaaring ialok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kung ang mga tao ay mayroon na ng mga publikasyong ito, ialok ang aklat na Sambahin ang Diyos o isang mas matagal nang publikasyon.

◼ Simula sa linggo ng Oktubre 20, 2003, pag-aaralan ng mga kongregasyon na gumagamit ng wikang Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, at Tagalog ang Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pag-aaralan ng mga kongregasyon na gumagamit ng wikang Bicol at Samar-Leyte ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba yamang ang aklat na Sambahin ang Diyos ay hindi makukuha sa kanilang mga wika.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Kapag ito’y naisagawa na, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng literatura at magasing hawak ng kongregasyon ay dapat isagawa sa Agosto 31, 2003, o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Ang imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbibilang na ginagawa ng literature coordinator, at ang kabuuan nito ay dapat itala sa Literature Inventory form (S-18). Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay maaaring kunin mula sa (mga) lingkod ng magasin. Dapat pangasiwaan ng kalihim ng coordinating congregation ang imbentaryo. Siya at ang punong tagapangasiwa ng coordinating congregation ang pipirma sa form. Ang bawat coordinating congregation ay makatatanggap ng tatlong Literature Order form (S-18) kalakip ng statement ng Hunyo. Pakisuyong ipadala ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang isang kopya para sa inyong file. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang work sheet.

◼ Makatatanggap ang bawat kongregasyon ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10) kalakip ng statement ng Hunyo. Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat upang tumpak at masinop na mapunan ang form na ito, at pagkatapos ay dapat na maingat na suriin ito ng komite sa paglilingkod. Ang orihinal na kopya ay dapat ipadala sa tanggapang pansangay sa Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya sa inyong file.

◼ Dapat nang ipadala ngayon ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw​—2004 at 2004 Calendar sa tanggapang pansangay. Magpapadala kami ng isang special order blank para sa dalawang ito kalakip ng statement ng Hunyo. Kung isang kongregasyon lamang ang gumagamit ng Kingdom Hall, dapat itong punan ng lingkod sa literatura at ibalik ito sa tanggapang pansangay sa Setyembre 6. Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gumagamit ng Kingdom Hall, ang pidido ng bawat kongregasyon ay kokolektahin ng literature coordinator at pagsasama-samahin sa isang order blank na ipadadala sa tanggapang pansangay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share