Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Oktubre 27, 2003. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 1 hanggang Oktubre 27, 2003. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Ano ang ibig sabihin ng payong ibinigay sa 1 Timoteo 2:9 na gayakan ang sarili ng “maayos na pananamit,” at paano maaaring maapektuhan nito ang ating mga presentasyon sa plataporma o sa ministeryo sa larangan? [be p. 132 par. 4-5]
2. Paano dapat makaimpluwensiya sa ating personal na hitsura ang mga simulain sa Bibliya na nasa 1 Juan 2:15-17, Efeso 2:2, at Roma 15:3? [be p. 133 par. 2-4]
3. Bakit mahalaga ang tindig, at paano tayo magkakaroon ng tindig kapag nagsasalita sa plataporma o nakikibahagi sa ministeryo? [be p. 135 kahon; p. 136 par. 5, kahon]
4. Bilang “ang saksing tapat at totoo,” paano nagpakita ng halimbawa si Jesus para sa atin sa paggamit ng Bibliya sa ministeryo? (Apoc. 3:14) [be p. 143 par. 2-3]
5. Paano tayo maaaring maging higit na bihasa sa paggamit ng Bibliya? (Tito 1:9) [be p. 144 par. 1, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang kahulugan ng pag-aaral, at anu-ano ang ilang kapakinabangan ng regular na pag-aaral sa Salita ng Diyos? [be p. 27 par. 3; p. 32 par. 3]
7. Kasuwato ng Santiago 1:5, 6, ano ang mahalaga kapag napaharap tayo sa isang mahalagang desisyon? [w01 9/1 p. 28 par. 4]
8. Ano ang mga saligang petsa, at bakit mahalaga ang mga ito? [si p. 282 par. 27]
9. Sa anong paraan hangal “ang nagdadala ng masamang ulat”? (Kaw. 10:18) [w01 9/15 p. 25 par. 3]
10. Paano higit na mauunawaan ng mga tao ang pangmalas ni Jehova tungkol sa panahon sa bagong sanlibutan? [si p. 283 par. 32]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Tama o Mali: Sa 1 Corinto 2:9, tinutukoy ni apostol Pablo ang mga bagay na inihanda ni Jehova para sa kaniyang tapat na bayan bilang isang mana. Ipaliwanag. [ip-2 p. 366 kahon]
12. Sa anu-anong tukso kumakapit ang mga salitang nakaulat sa 1 Corinto 10:13, at paano ‘gumagawa si Jehova ng daang malalabasan’? [w91 10/1 p. 10-11 par. 11-14]
13. Paano nakaaapekto sa mga Kristiyano ang halimbawa ng pagiging bukas-palad ni Jesus? (2 Cor. 8:9) [w92 1/15 p. 16 par. 10]
14. Paanong ang Kautusan ay isang ‘tagapagturo na umaakay tungo kay Kristo’? (Gal. 3:24) [w02 6/1 p. 15 par. 11]
15. Dapat tayong magbantay sa anong “panimulang mga bagay ng sanlibutan” upang hindi tayo mailigaw? (Col. 2:8)