Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ng mga mamamahayag na regular silang maghahatid ng mga magasin, na may tunguhing makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Maaaring itampok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kung ang mga tao ay mayroon na ng mga publikasyong ito, ialok ang aklat na Sambahin ang Diyos o ang isang mas matagal nang publikasyon. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina. Yaong mga walang matatagal nang aklat ay maaaring mag-alok ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2004” at dapat itong ingatan bilang reperensiya sa buong taon ng 2004.
◼ Ang mga pidido para sa 2004 Taunang Aklat ay maaari na ngayong ipadala sa tanggapang pansangay. Nagpadala kami ng Yearbook Order Blank kalakip ng inyong buwanang statement para sa layuning ito. Dapat itong punan ng mga coordinator at lingkod sa literatura at ibalik ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2003.
◼ Pagbabago sa Pandistritong Kombensiyon: Ang kombensiyon sa Masbate City ay gaganapin sa Disyembre 5-7, 2003 sa halip na sa Disyembre 26-28.