Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/03 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 10
  • Linggo ng Nobyembre 17
  • Linggo ng Nobyembre 24
  • Linggo ng Disyembre 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 11/03 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

PANSININ: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng isang Pulong sa Paglilingkod para sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan upang mabigyang-daan ang pagdalo sa “Magbigay ng Kaluwalhatian sa Diyos” na Pandistritong Kombensiyon. Sa buwan ng Pebrero 2004, isasaayos ang isang buong Pulong sa Paglilingkod upang repasuhin ang tampok na mga bahagi sa programa ng kombensiyon. Bilang paghahanda sa pakikipagtalakayang iyon, tayong lahat ay maaaring kumuha ng makabuluhang mga nota sa kombensiyon, lakip na ang espesipikong mga punto na nais nating ikapit nang personal sa ating sariling buhay at sa ministeryo sa larangan. Sa gayon ay mapatitibay natin ang iba sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung paano natin ikinapit ang mga mungkahing ito mula nang dumalo tayo sa kombensiyon.

Linggo ng Nobyembre 10

Awit 212

10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Magkaroon ng dalawang pagtatanghal kung paano gagamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 sa paghaharap ng Nobyembre 15 ng Bantayan at Nobyembre 22 ng Gumising! sa inyong teritoryo. Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay dapat na magkasamang ialok, kahit na isa lamang ang itatampok. Ilakip sa isa sa mga pagtatanghal ang paliwanag kung paano tinutustusan ang ating pambuong-daigdig na gawain.​—Tingnan Ang Bantayan, p. 2, o Gumising! p. 5.

15 min: ‘Maging Handa Kayo.’a Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung ano ang nakatutulong sa kanila na maiwasang maubos ng mga kabalisahan at mga pang-abala ng kasalukuyang sistema ng mga bagay ang panahon na mas kapaki-pakinabang na gugulin sa espirituwal na mga gawain.

20 min: “Pagtitipon Nang Sama-sama Upang Purihin si Jehova.”b Gamitin ang inilaang mga tanong. Himukin ang lahat na daluhan ang bawat sesyon ng kombensiyon, mula Biyernes ng umaga hanggang Linggo ng hapon. Idiin ang pangangailangang ikapit ang ating natutuhan sa halip na makinig lamang. Talakayin ang “Pansinin” sa itaas hinggil sa pinaplano para sa Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero 2004, kapag nagkaroon ng repaso sa tampok na mga bahagi ng pandistritong kombensiyon. Pasiglahin ang lahat na kumuha ng mga nota.

Awit 127 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 17

Awit 96

12 min: Lokal na mga patalastas. Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag na nagkaroon ng kawili-wiling mga karanasan sa paglilingkod sa larangan na ginagamit ang kasalukuyang alok na literatura. Ang ilan ay maaaring nakapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.

18 min: “Nakagiginhawa ang Komendasyon.”c Ilakip ang mga komento sa aklat na Kaligayahan sa Pamilya, pahina 49-50, parapo 21. Anyayahang magkomento sa maikli ang mga indibiduwal na napatibay mula sa komendasyon ng iba.

15 min: “Maging Halimbawa sa Maiinam na Gawa.”d Gamitin ang inilaang mga tanong. Ipaliwanag kung bakit napakahalaga ng mabuting paggawi sa bahagi ng lahat na nasa kombensiyon.

Awit 58 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 24

Awit 213

12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Magkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagtatanghal kung paano gagamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 sa paghaharap ng Disyembre 1 ng Bantayan at Disyembre 8 ng Gumising! Maaaring gamitin ang ibang kasulatan bukod sa iminungkahi sa pahina 8. Sa bawat pagtatanghal, ang dalawang magasin ay dapat na magkasamang ialok, kahit na isa lamang ang itatampok. Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang pag-aalok ng magasin sa di-pormal na paraan sa pampublikong transportasyon o sa iba pang angkop na tagpo sa inyong lugar.

13 min: Pahayag ng isang matanda sa “Tanong” sa pahina 7.

20 min: “Ang Maayos na Pananamit ay Nagpapakita ng Pagpipitagan sa Diyos.”e Gagampanan ng isang matanda. Gamitin ang inilaang mga tanong. Ipabasa nang malakas ang bawat parapo sa isang kapatid na lalaki na mahusay bumasa.

Awit 202 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 1

Awit 138

10 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa buwan ng Nobyembre. Banggitin ang alok na literatura sa Disyembre. Repasuhin sa maikli ang isa o dalawang mungkahing presentasyon.

15 min: “Linangin ang Mapagbigay na Espiritu.” Pahayag ng isang matanda, salig sa Nobyembre 1, 2003, Bantayan, pahina 26-30.

20 min: “Paglinang ng Matalik na Kaugnayan kay Jehova.”f Gamitin ang inilaang mga tanong. Hilinging magkomento ang mga tagapakinig kung paano kumakapit ang mga kasulatan. Isaayos nang patiuna na magkomento ang isa o dalawa kung ano ang nakatulong sa kanila na mapasulong ang kalidad ng kanilang personal na pag-aaral ng Bibliya.

Awit 70 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share