Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Disyembre 8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Disyembre 15 ng Bantayan at Disyembre 22 ng Gumising!
20 min: “Tunay na Kristiyanong Pagkakaisa—Paano?”a Kapag tinatalakay ang parapo 5, anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng personal na mga karanasan na nagtatampok sa ating Kristiyanong pagkakaisa.
15 min: “Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2004.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Ilakip ang mga komento sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 2003.
Awit 108 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 15
12 min: Lokal na mga patalastas. Basahin at talakayin ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea” sa pahina 6. Banggitin ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa Disyembre 25 at Enero 1.
13 min: Personal na Pag-aaral—Isang Gawang Pagsamba. Isang pahayag salig sa Bantayan, Oktubre 1, 2000, pahina 14-15, parapo 6-10.
20 min: “Tulungan Yaong mga ‘Wastong Nakaayon.’ ”b Gamitin ang inilaang mga tanong. Repasuhin ang listahan ng mga mungkahi sa pagdalaw-muli sa kahon sa pahina 3 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Marso 1997.
Awit 42 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 22
13 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Enero 1 ng Bantayan at Enero 8 ng Gumising!
12 min: “Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig.
20 min: “Paghanap sa mga Karapat-dapat.”c Gumawa ng lokal na pagkakapit sa materyal. Anong mga resulta ang natamo sa pamamagitan ng paggawa sa dapit-hapon o maagang bahagi ng gabi? Anong mga pamamaraan ang magagamit upang makausap ang mga tao na bihirang nasa bahay?
Awit 209 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 29
5 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang kahon na “Pakisuyong Dumalaw Kaagad.” Ipakita ang isang sampol ng S-70 form kung mayroon.
15 min: Lubusang Kuwalipikado na Magturo sa Iba. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig salig sa Bantayan, Hunyo 1, 2000, pahina 16-17, parapo 9-13. Ang ating tagumpay sa pagtulong sa tulad-tupang mga tao ay nakasalalay sa ating kakayahan na itawid ang mensahe ng Kaharian sa paraang nakapagtuturo at nakapagpapakilos sa kanila. Talakayin ang sumusunod na mga tanong: (1) Ano ang pagkakaiba ng pangangaral at pagtuturo? (it-2-E p. 672 par. 2) (2) Bakit nag-aatubili ang ilan na subukang magdaos ng isang pag-aaral sa Bibliya? (3) Paano natin mapasusulong ang ating kakayahang magturo? (4) Paano natin matitiyak na nauunawaan ng ating mga estudyante ang diwa ng kaniyang natututuhan? (5) Sisikapin nating tulungan ang estudyante na maabot ang anong tunguhin?
25 min: Buong-Pagtitiwalang Harapin ang mga Hamon sa Pagpapagamot. Pahayag ng kuwalipikadong matanda, na ginagamit ang balangkas na ibinigay ng tanggapang pansangay. Repasuhin ang susing mga punto mula sa kahon na “Mga Paglalaan Upang Tulungan Tayong Umiwas sa Dugo” sa pahina 7.
Awit 182 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 5
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Ang Iyong Pagpapagal ay Hindi sa Walang Kabuluhan. (1 Cor. 15:58) Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Patiunang isaayos na ilahad ng mga mamamahayag na maraming taon nang aktibo ang mga detalye hinggil sa gawaing pagpapatotoo noon. Ilan ang nakaugnay sa kongregasyon? Gaano kalaking teritoryo ang nakaatas sa kongregasyon para gawin? Paano tumugon ang mga tao sa mensahe ng Kaharian? Anong uri ng pagsalansang ang napaharap sa inyo? Paano sumulong ang gawaing pang-Kaharian sa kinaroroonan ng kongregasyon sa paglipas ng mga taon?
25 min: “Pumaroon Tayo sa Bahay ni Jehova.”d Repasuhin sa maikli ang mga tampok na bahagi ng mga publikasyong nabanggit sa parapo 6.
Awit 7 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.