Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula sa Abril 26, 2004. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 1 hanggang Abril 26, 2004. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Kapag nagpapahayag, bakit mas mabuting magsalita mula sa isang balangkas sa halip na magbasa mula sa isang manuskrito? [be p. 166 par. 3]
2. Sa paghahanda para sa paglilingkod sa larangan, paano natin maoorganisa ang ating mga ideya at maibalangkas ito sa isip? [be p. 167 par. 2]
3. Sa paggamit ng Gawa 13:16-41 at Gawa 17:2, 3, ipaliwanag kung paano ‘pinatunayan ni Pablo sa lohikal na paraan na si Jesus ang Kristo.’ (Gawa 9:22) [be p. 170 par. 2]
4. Anu-ano ang ilang pakinabang ng ekstemporanyong pagpapahayag? [be p. 175 par. 2-5]
5. Ano ang potensiyal na mga panganib sa pagsasalita nang ekstemporanyo, at ano ang makatutulong sa atin upang maiwasan ang mga ito? [be p. 175 par. 6–p. 176 par. 3]
ATAS BLG. 1
6. Ayon sa ulat sa Genesis 32:24-32, ano ang ginawa ng 97-taóng-gulang na si Jacob upang makamit ang pagpapala ni Jehova, at ano ang itinuturo nito sa atin? [w02 8/1 p. 29-31]
7. Ano ang “kakayahang mag-isip,” at paano tayo mahahadlangan nito na mawalan ng panimbang at mapinsala nang di-kinakailangan? (Kaw. 1:4) [w02 8/15 p. 21-2]
8. Paano magagawa ng mga tagapagsalita sa madla na maging pinakasaligan ng kanilang mga pahayag ang Kasulatan? [be p. 52 par. 6–p. 53 par. 5]
9. Upang maging malamán na paliwanag ng Kasulatan ang isang simpleng balangkas, anong mga pagpapasiya ang dapat gawin ng isang tagapagsalita? [be p. 54 par. 2-4]
10. Bakit pinakain ni Jehova ng manna ang mga Israelita sa ilang nang linggu-linggo, buwan-buwan, at ano ang matututuhan natin dito? (Deut. 8:16) [w02 9/1 p. 30 par. 3-4]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Gaya ng ipinakikita ng Genesis 37:12-17, anong pagkakatulad ang makikita natin sa landasin ni Jose at ni Jesus? [w87 5/1 p. 12 par. 12]
12. Gaya ng makikita sa ulat sa Genesis 42:25-35, paano nagpakita si Jose ng pagkamadamayin na kahawig ng pagkamadamaying ipinakita ni Jesus? [w87 5/1 p. 18 par. 10; p. 19 par. 17]
13. Paano nakakahawig ng mga paglalaang ginagawa ng uring alipin sa ngayon ang pamamahagi ng butil noong panahon ni Jose? (Gen. 47:21-25)
14. Sa pagsasabing, “Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon,” ano ang isinisiwalat ni Jehova hinggil sa kaniyang pangalan? (Ex. 3:14, 15)
15. Anong dalawang likas na panganib sa pagrereklamo ang binabanggit sa Exodo 16:2, 3? [w93 3/15 p. 20-1]