Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/04 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 4/04 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagsasagawa ng mga pagdalaw-muli sa interesadong mga tao, dalawin din ang mga dumalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong mga okasyon subalit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon. Pagtuunan ng pansin ang pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos at sikaping makapagpasimula ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at ng brosyur na Hinihiling. Hunyo: Ang bagong aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.

◼ Ang mga tomo ng 2003 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari na ngayong pididuhin. Gayunman, tandaan na ang mga ito ay mga special-request item at dapat pididuhin lamang kung may espesipikong kahilingan ang mga mamamahayag para rito. Kapag ang mga tomo ay hindi pa dumating sa panahong natanggap na ang mga pidido, ang mga ito ay mamarkahan ng “back-ordered” at ang mga tomo ay ipadadala sa inyo kapag natanggap na ang mga ito mula sa Brooklyn.

◼ Kailangang mag-ingat ang tanggapang pansangay ng isang pinakabagong rekord ng mga adres at numero ng telepono ng lahat ng punong tagapangasiwa at kalihim. Kung may anumang pagbabago, dapat punan, lagdaan, at ipadala agad ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang isang Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) form sa tanggapang pansangay. Lakip na rito ang mga pagbabago sa mga area code ng telepono.

◼ Dapat panatilihin ng mga kalihim ng kongregasyon ang sapat na suplay ng mga form na Application for Regular Pioneer Service (S-205) at Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b). Maaaring pididuhin ang mga ito sa Literature Request Form (S-AB-14). Panatilihin ang di-kukulangin sa isang taóng suplay. Repasuhin ang lahat ng form sa pag-aaplay bilang regular pioneer upang matiyak na kumpleto ang mga ito, lakip na ang petsa ng bautismo ng aplikante.

◼ Makukuhang Bagong Audiocassette: Matuto Mula sa Dakilang Guro sa audiocassette​—Ingles

◼ Makukuhang Bagong Compact Disc: Matuto Mula sa Dakilang Guro sa compact disc​—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share