Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/04 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 13
  • Linggo ng Setyembre 20
  • Linggo ng Setyembre 27
  • Linggo ng Oktubre 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 9/04 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Setyembre 13

Awit 43

12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Isama rin ang “‘Lumakad na Kasama ng Diyos’ na mga Pandistritong Kombensiyon.” Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 upang itanghal kung paano ihaharap ang Setyembre 15 ng Bantayan at Setyembre 22 ng Gumising!

15 min: “Panatilihing Simple ang Iyong Mata.”a Gamitin ang inilaang mga tanong. Itampok ang binanggit na mga kasulatan kung may oras pa.

18 min: Mga Saksi ng Ating Maiinam na Gawa. (1 Ped. 2:12) Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Nobyembre 1, 2002, Bantayan, pahina 12-14, parapo 14-20. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nakaaapekto sa mga tao sa inyong lugar ang pagmamasid sa ating maiinam na gawa.

Awit 162 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 20

Awit 88

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang tampok na mga bahagi ng liham ng sangay, na nasa unang pahina ng isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na basahin ang Bilang 16:1-35 at pagkatapos ay panoorin ang video na Respect Jehovah’s Authority bilang paghahanda sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Oktubre 4.

15 min: Ano ang Naisakatuparan Natin Noong Nakaraang Taon? Pahayag ng isang elder batay sa ulat ng paglilingkod ng kongregasyon sa 2004 taon ng paglilingkod. Itawag-pansin ang positibong mga bahagi ng ulat at papurihan ang kongregasyon para sa mabubuting bagay na naisakatuparan. Banggitin ang isa o dalawang larangan na maaaring bigyang-pansin ng kongregasyon sa susunod na taon.

20 min: Pahayag ng isang elder batay sa “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa isyu ng Bantayan ng Hulyo 1, 2004, pahina 30-1.

Awit 103 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 27

Awit 221

15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Itanghal kung paano iaalok ang Oktubre 1 ng Bantayan at Oktubre 8 ng Gumising!

10 min: Ang Salita ni Jehova ay Buháy. Isang pahayag. Upang tulungan tayong makinabang sa lingguhang pagbasa sa Bibliya na binalangkas para sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, isang serye ng mga artikulo na pinamagatang “Ang Salita ni Jehova ay Buháy” ang pinasimulang ilabas sa piling mga isyu ng Ang Bantayan. Ginagamit ang Bantayan, Setyembre 15, 2004, pahina 24-7, ipakita ang mga bahagi ng mga artikulong ito. Pagkatapos ng pangkalahatang sumaryo, inilalaan ng seksiyong “Sagot sa Maka-Kasulatang mga Tanong” ang paliwanag sa ilang teksto sa Kasulatan na mahirap unawain. Itinatawag-pansin ng mga komento sa ilalim ng subtitulong “Mga Aral Para sa Atin” ang praktikal na kahalagahan ng impormasyon na kasalukuyang binabasa. Pasiglahin ang lahat na gamiting mabuti ang paglalaang ito habang pinasisimulan nating basahin ang aklat ng Deuteronomio sa susunod na linggo.

20 min: “Gamitin Nang Mabisa ang Bibliya.”b Ibatay ang pambungad na mga komento sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 145, parapo 2-3. Magtanghal ng dalawang maiikling presentasyon, ang isa ay unang pagdalaw at ang isa naman ay pagdalaw-muli.

Awit 38 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 4

Awit 5

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

25 min: “Dapat Nating Igalang ang Awtoridad ni Jehova.” Basahin ang Judas 11, na nililimitahan ang pambungad na mga komento nang hindi lalampas sa dalawang minuto. Pagkatapos ay makipagtalakayan sa mga tagapakinig na ginagamit ang lahat ng mga tanong sa artikulo.

Awit 99 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share