Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, ipakita ang brosyur na Hinihiling at dumalaw muli taglay ang tunguhing makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina na nasa inyong stock. Karagdagan pa, mayroon tayong mas matatagal nang aklat na nasa stock sa Bethel at hinihimok namin ang mga mamamahayag na makagagamit nito na umorder para sa kampanyang ito: Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan at Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Saan Magmumula? sa Bicol; Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, maliit na edisyon sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte at malaking edisyon naman sa Cebuano at Iloko; Kaligayahan—Papaano Masusumpungan sa Iloko; Good News to Make You Happy at Pakikinig sa Dakilang Guro sa Samar-Leyte.
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2005” at dapat itong ingatan bilang reperensiya sa buong taon ng 2005.
◼ Ang mga order para sa 2005 Taunang Aklat ay maaari na ngayong ipadala sa tanggapang pansangay. Nagpadala kami ng Yearbook Order Blank kalakip ng inyong buwanang statement para sa layuning ito. Dapat itong punan ng mga koordineytor at lingkod sa literatura at ibalik ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2004.
◼ Pagbabago sa Pandistritong Kombensiyon: Ang kombensiyon sa Roxas City ay gaganapin sa Disyembre 31, 2004—Enero 2, 2005 sa halip na sa Disyembre 17-19.
◼ Dapat ipamahagi kaagad ng mga kongregasyon sa mga mamamahayag ang pinakabagong labas ng Ang Bantayan at Gumising! pagkatanggap sa mga ito. Tutulong ito upang maging pamilyar ang mga mamamahayag sa nilalaman ng mga magasin bago ito ialok sa paglilingkod sa larangan.