Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin nang tanong-sagot sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 25, 2004. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 6 hanggang Oktubre 25, 2004. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano natin mapananatiling positibo ang presentasyon kapag nagpapahayag hinggil sa ilang aspekto ng gawaing Kristiyano? [be p. 203 par. 3-4]
2. Ano ang pag-uulit, at bakit ito mahalaga? [be p. 206 par. 1-4]
3. Paano natin maidiriin ang tema ng ating mga pahayag? [be p. 210 par. 1-5, kahon]
4. Paano natin matitiyak ang pangunahing mga punto sa isang pahayag na iniatas sa atin na bigkasin? [be p. 212 par. 1-4]
5. Bakit tayo dapat mag-ingat na huwag gumamit ng napakaraming pangunahing punto? [be p. 213 par. 2-4]
ATAS BLG. 1
6. Anong mga pagsulong bago ang Baha ang maaaring naging dahilan kung bakit mahirap para sa mga tao na maniwalang magwawakas ang lahat ng bagay sa palibot nila? [w02 3/1 p. 5-6]
7. Bakit kapansin-pansin na tinawag si Jesus ng kaniyang mga kapanahon na “Guro” at hindi “Tagapagpagaling”? (Luc. 3:12; 7:40) [w02 5/1 p. 4 par. 3; p. 6 par. 5]
8. Paano idiniriin ng Kawikaan 11:24, 25 ang kahalagahan ng lubusang pakikibahagi sa ministeryo sa larangan? [w02 7/15 p. 30 par. 3-5]
9. Anong moral na usapin ang ibinangon ng paghihimagsik sa Eden, at ano na ang naging mga resulta ng paghihimagsik na iyon? (Gen. 3:1-6) [w02 10/1 p. 5 par. 6; p. 6 par. 2-3]
10. Paano natitiyak ang petsa ng pagsasauli ng tunay na pagsamba sa Jerusalem? [si p. 285 par. 5]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Yamang sinabihan ni Jehova si Balaam na sumama sa mga lalaking isinugo ni Balak, bakit nagalit Siya nang sumama sa kanila si Balaam? (Bil. 22:20-22)
12. Maaari bang ipawalang-saysay ng asawang lalaki ang mga panata ng isang babaing Kristiyano? (Bil. 30:6-8)
13. Ano ang kinakatawanan sa ngayon ng mga “kanlungang lunsod”? (Bil. 35:6) [w95 11/15 p. 17 par. 8]
14. Dapat bang unawain sa literal na paraan ang utos sa Deuteronomio 6:6-9 na ‘itali ang kautusan ng Diyos sa kamay at sa ulo bilang pangharap na pamigkis’?
15. Ang pananalita bang “ang iyong balabal ay hindi naluma” ay nangangahulugan lamang na hinalinhan ang nalumang damit ng mga Israelita? (Deut. 8:4)