Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/04 p. 8
  • Pakikibahagi sa Ministeryo Bilang Isang Pamilya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikibahagi sa Ministeryo Bilang Isang Pamilya
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 10/04 p. 8

Pakikibahagi sa Ministeryo Bilang Isang Pamilya

1 Ang isang pamilyang nakaalay at lubhang abala sa sagradong paglilingkod​—ang ama, ina, at mga anak na naglilingkod nang buong kaluluwa sa Diyos​—ay isang kapurihan sa dakilang pangalan ni Jehova. Natutuwa tayo na maraming gayong pamilya ang masusumpungan sa mga kongregasyon ng bayan ni Jehova sa buong daigdig.

2 Mangyari pa, ang ama ang may pangunahing pananagutan sa pag-aasikaso sa espirituwal na mga pangangailangan ng kaniyang pamilya. (1 Cor. 11:3) Sa pakikipagtulungan ng kaniyang asawa at mga anak, makaiimpluwensiya nang malaki sa iba ang kaniyang pamilya. (Mat. 5:16) Ano ang ilang pitak kung saan maipakikita ang pagtutulungang ito?

3 Nangunguna ang mga Magulang: Sa maraming kalagayan, ang ama ay maaaring isang elder o ministeryal na lingkod. Nangangahulugan ito na bukod sa kapakanan ng kaniyang pamilya, kailangan din siyang maglaan ng panahon at atensiyon sa mga bagay na pangkongregasyon. Pananagutan ng ama na tiyaking nakaiskedyul na mabuti ang kaniyang panahon. Maaaring hindi ito laging madali dahil sa dami ng kailangan niyang gawin sa loob ng limitadong panahon. Gayunman, yamang ang kaniyang pamilya ang pangunahin niyang pananagutan, dapat na may regular siyang iskedyul kasama ng kaniyang pamilya sa pag-aaral, paglilingkod sa larangan, pagpupulong, at angkop na paglilibang. Dahil sa ilang kalagayan, maaaring mabago ang iskedyul ng isang ama paminsan-minsan, subalit kasiya-siya nga kung makagugugol siya ng panahon linggu-linggo na kasama ang mga miyembro ng kaniyang pamilya sa paglilingkod sa larangan!

4 Mahalaga ang pakikipagtulungan ng asawang babae. Maaari siyang maging kapupunan sa kaniyang asawa sa isang napakahalagang paraan sa pamamagitan ng pagtulong sa pagsasanay sa mga anak sa ministeryo. Malaki ang magagawa ng kaniyang halimbawa sa kasigasigan at debosyon upang sumulong ang pagpapahalaga ng mga anak sa ministeryo. Alalahanin kung paanong “mula sa pagkasanggol” ay sinanay si Timoteo ng kaniyang inang si Eunice at ng kaniyang lolang si Loida sa “banal na mga kasulatan,” sa kabila ng katotohanang di-sumasampalataya ang ama ni Timoteo. (2 Tim. 3:​14, 15) Tiyak na kinailangan dito ang masidhing pananampalataya, pagsisikap, at pagsasakripisyo sa sarili. Ginantimpalaan naman ito nang si Timoteo ay sumulong sa espirituwal at maging masigasig na misyonero.​—Fil. 2:19-22.

5 Maraming nakakatulad na halimbawa sa ngayon kung saan iisang nananampalatayang magulang lamang ang bumabalikat sa espirituwal na pananagutan at matagumpay na nakapagsanay sa kanilang mga anak sa ministeryo. Dahil sa mahusay na halimbawa ng kanilang ama o ina, maraming kabataan ang naninindigang matatag sa katotohanan at, gaya ni Timoteo, nagtatamasa ng maraming pribilehiyo sa buong-panahong ministeryo.

6 Oo, mahalaga ang halimbawa ng mga magulang upang maikintal sa mga anak ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahusay na iskedyul sa regular na pakikibahagi sa ministeryo. Kailangang magtakda ang mga magulang ng di-pabagu-bagong lingguhang rutin sa paglilingkod at sundin ito, upang malaman ng mga anak kung anong bahagi ng sanlinggo ang laging nakalaan para sa gawaing pangangaral.

7 Ang Pananagutan ng mga Anak: Ano naman ang pananagutan ng mga anak? Maging ang sakdal na Anak ng Diyos, si Jesus, nang bata pa siya, ay nagpasakop sa tagubilin at turo ng kaniyang mga magulang. (Lucas 2:51) Kaya, kapag isinaayos ng ama at ina na sama-samang makikibahagi sa ministeryo ang pamilya, pananagutan ng mga anak na ipakita ang kanilang makadiyos na debosyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kanilang mga magulang.​—Efe. 6:1-3.

8 Ang sama-samang pagsamba bilang isang pamilya​—pag-aaral, pakikibahagi sa ministeryo sa larangan, at pagdalo sa mga pulong​—ay nagpapatibay sa bigkis ng pag-ibig at pagkakaisa ng pamilya. May pananagutan kapuwa ang mga magulang at mga anak sa bagay na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share