Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/04 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 8
  • Linggo ng Nobyembre 15
  • Linggo ng Nobyembre 22
  • Linggo ng Nobyembre 29
  • Linggo ng Disyembre 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 11/04 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Pansinin: Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay mag-iiskedyul ng isang Pulong sa Paglilingkod para sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan upang mabigyang-daan ang pagdalo sa “Lumakad na Kasama ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon. Kung angkop, maglaan ng 15 minuto sa huling Pulong sa Paglilingkod bago dumalo sa kombensiyon upang ulitin ang tuwirang payo sa insert para sa buwang ito na kumakapit sa inyong kongregasyon. Sa Pebrero, isasaayos ang isang buong Pulong sa Paglilingkod upang repasuhin ang tampok na mga bahagi sa programa ng kombensiyon. Bilang paghahanda sa talakayang iyon, tayong lahat ay dapat kumuha ng nota sa kombensiyon, kasama na ang espesipikong mga punto na nais nating ikapit nang personal sa ating buhay at sa ministeryo sa larangan.

Linggo ng Nobyembre 8

Awit 180

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Panatilihin ang Pagkadama ng Pagkaapurahan!”a Banggitin ang mga komento sa Bantayan, Enero 15, 2000, pahina 12-13.

20 min: “Itanyag Nating Sama-sama ang Kaniyang Pangalan.”b Pangangasiwaan ng kalihim ng kongregasyon, na ginagamit ang inilaang mga tanong. Banggitin kung saang kombensiyon nakaatas ang kongregasyon. Bilang pagtatapos, ibangon ang dalawa o tatlong tanong mula sa artikulong “Espirituwal na Pagkain sa Tamang Panahon,” na tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo.

Awit 19 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 15

Awit 170

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 upang itanghal kung paano ihaharap ang Nobyembre 15 ng Bantayan at ang Nobyembre 22 ng Gumising!

15 min: Alam Mo ba ang Kaligayahang Nagmumula sa Pagbibigay? Pahayag na salig sa Bantayan, Nobyembre 1, 2004, pahina 19-23.

20 min: “Espirituwal na Pagkain sa Tamang Panahon.”c Gamitin ang inilaang mga tanong. Kapag tinatalakay ang parapo 2, pagkomentuhin ang isa o dalawang tagapakinig hinggil sa isang di-malilimot na kombensiyon na nadaluhan nila. Bilang pagtatapos, ibangon ang dalawa o tatlong tanong mula sa artikulong “Magpakabanal sa Lahat ng Iyong Paggawi,” na tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo.

Awit 66 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 22

Awit 199

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Magpakabanal sa Lahat ng Iyong Paggawi.”d Gamitin ang inilaang mga tanong. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa naobserbahan nilang mainam na paggawi at pananamit ng mga kapatid sa kombensiyon na nagdudulot ng kapurihan kay Jehova.

Awit 58 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 29

Awit 23

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre. Ipatanghal kung paano ihaharap ang Disyembre 1 ng Bantayan at ang Disyembre 8 ng Gumising!

10 min: Pahayag ng isang elder hinggil sa mga punto sa “Tanong.”

25 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya​—Bahagi 3.”e Gamitin ang inilaang mga tanong. Pagkatapos talakayin ang parapo 3, itanghal sa maikli ang isang pag-aaral sa Bibliya sa brosyur na Hinihiling, aralin 5, parapo 1. Nabasa na ang parapo at nasagot na ang tanong. Babasahin at tatalakayin ng konduktor at ng estudyante ang Isaias 45:18 at Eclesiastes 1:4. Gagamit ng simpleng mga tanong ang konduktor upang ganyakin ang estudyante na ipaliwanag kung paano nauugnay ang bawat teksto sa puntong tinatalakay.

Awit 178 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 6

Awit 96

10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura sa Disyembre. Ipatanghal ang isa o dalawang presentasyon na maaaring gamitin sa pag-aalok ng aklat na Pinakadakilang Tao.

20 min: “Makatutulong Ka Ba?”f Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na nagpapahalaga sa tulong o pampatibay-loob na ibinigay ng iba.

15 min: Lubusang Makinabang sa Pulong sa Paglilingkod. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 71-2. Sa anong limang paraan tayo tinutulungan ng Pulong sa Paglilingkod na sumulong bilang Kristiyanong mga ministro? Bumanggit ng mga halimbawa mula sa programa sa buwang kasalukuyan. Ano ang mga kapakinabangan ng patiunang paghahanda? Bakit tayo dapat dumalo nang regular? Ano ang maka-Kasulatang parisan ng pulong na ito?

Awit 101 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share