Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kung sasabihin ng mga indibiduwal na wala silang anak, ialok ang brosyur na Hinihiling. Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina na nasa inyong stock. Karagdagan pa, mayroon tayong stock ng mas matatagal nang aklat sa Bethel at hinihimok namin ang mga mamamahayag na makagagamit nito na umorder para sa kampanyang ito: Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan at Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan—Saan Magmumula? sa Bicol; Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, maliit na edisyon sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte at malaking edisyon naman sa Cebuano at Iloko; Kaligayahan—Papaano Masusumpungan sa Iloko; Good News to Make You Happy at Pakikinig sa Dakilang Guro sa Samar-Leyte. Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova.
◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon.
◼ Isasaayos ang isang kumpletong programa ng pandistritong kombensiyon para sa mga bingi sa Kingdom Hall ng Bethel sa Quezon City sa Nobyembre 19-21, 2004. Ang sinumang bingi na nakauunawa ng wikang pasenyas at nagnanais makinabang sa programa ay dapat dumalo, yamang hindi magkakaroon ng kumpletong programa para sa mga bingi sa iba pang mga kombensiyon.
◼ Mga Kontribusyon sa mga Pandistritong Kombensiyon: Ang lahat ng gastusin sa mga kombensiyon, lakip na ang mga upa sa istadyum, paghahanda ng plataporma at public address system, gayundin ang halaga ng anumang bagong mga publikasyon na ilalabas, ay sinusuportahan ng boluntaryong mga kontribusyon sa pambuong-daigdig na gawain. Nakatitiyak kami na isasaisip ninyo ito kapag dumadalo. Ang mga kontribusyon ay maaaring ihulog sa mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa bawat kombensiyon.
◼ Mga Tour sa Bethel: Kung nagpaplano kayong mag-tour sa Bethel, at ang bilang ninyo ay hindi bababa sa 20 o kaya’y isang bus kayo, dapat na patiuna kayong sumulat sa tanggapang pansangay upang ipabatid sa “Bethel Tours Department” ang petsa kung kailan ninyo planong pumunta. Dahil sa limitadong paradahan sa Bethel, baka kailanganing baguhin ang petsa ng inyong tour upang hindi magsiksikan ang mga bus sa iisang araw. Dapat planuhin ng mga manggagaling sa malalayong probinsiya na dumating sa Bethel nang hindi mas maaga sa alas 8 n.u. Kung malapit na kayo sa Maynila bago pa ang oras na ito, iminumungkahi naming huminto muna kayo sa isa sa mga gasolinahan sa expressway hanggang sa sumapit ang oras na iyon. Magbibigay ito sa inyo ng pagkakataong gumamit ng palikuran at marahil ay makapagpalit ng damit bago dumating sa Bethel. Bago dumalaw, pakisuyong repasuhin ang “Tanong” sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hunyo 2002 hinggil sa angkop na pananamit at hitsura kapag dumadalaw sa mga tahanang Bethel.
◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:
Watch Tower Publications Index 2003—Ingles
Edisyon sa malalaking titik, Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan—Cebuano, Iloko, Tagalog
(Pansinin: Ang Bibliyang ito ay may simbolong bi8 at mayroon ding panggilid na mga reperensiya na gaya ng sa bi12. Ang edisyong ito sa malalaking titik ay malaking tulong sa personal na pag-aaral, maginhawang basahin ng malalabo ang paningin, at mainam na ilagay sa aklatan ng Kingdom Hall.)