Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na mga aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa matatagal nang aklat na may 192 pahina. Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso: Ialok ang aklat na Kaalaman taglay ang tunguhing makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya.
◼ Kung alam mong wala ka sa kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking maibibigay mo sa inyong tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang iyong ulat ng paglilingkod sa larangan bago ka umalis. O, kung hindi ka naman kalayuan, maaari mong itawag sa telepono o i-text sa kaniya o sa kalihim ng kongregasyon ang iyong ulat, sa gayo’y nagiging ‘tapat ka sa pinakakaunti.’—Luc. 16:10.
◼ 2005 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 2005 ay hinalaw sa Awit 121:2: “Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall pasimula sa Enero 1, 2005.