Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/04 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 13
  • Linggo ng Disyembre 20
  • Linggo ng Disyembre 27
  • Linggo ng Enero 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 12/04 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Disyembre 13

Awit 47

10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na No Blood​—Medicine Meets the Challenge bilang paghahanda sa talakayan sa susunod na linggo. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang itanghal kung paano ihaharap ang Disyembre 15 ng Bantayan at ang Disyembre 22 ng Gumising!

15 min: “Bagong Kaayusan sa Pagrerepaso ng mga Programa sa Asamblea.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa artikulong nasa pahina 4.

20 min: “Pagpapatotoo sa mga Kamag-anak​—Paano?”a Gamitin ang inilaang mga tanong. Pagkomentuhin ang mga tagapakinig kung paano sila nakapagpapatotoo sa kanilang mga kamag-anak.

Awit 17 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 20

Awit 68

5 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Ministerial Training School​—Isang Malaking Pinto na Umaakay sa Gawain.” Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Ilakip ang mga komento sa 2004 Taunang Aklat, pahina 239-40. Pasiglahin ang lahat ng kuwalipikado na dumalo sa pulong para sa mga interesadong mag-aral sa Ministerial Training School sa susunod na pansirkitong asamblea.

25 min: “Makinabang sa Video na No Blood​—Medicine Meets the Challenge.” Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig hinggil sa video na No Blood, na ginagamit ang mga tanong na inilaan sa pahina 7. Pagkatapos nito, basahin ang huling parapo. Himukin ang lahat na dumalo sa susunod na linggo para sa pagtalakay hinggil sa isang bagong paglalaan upang tulungan tayong umiwas sa dugo.

Awit 50 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 27

Awit 36

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang alinman sa Enero 1 ng Bantayan o Enero 8 ng Gumising!

25 min: Pagsunod sa Utos ng Diyos na Umiwas sa Dugo. Pahayag ng isang elder, na ginagamit ang manuskritong inilaan ng tanggapang pansangay. Banggitin agad na hindi pupunan ngayong gabi ang mga DPA card. Samantalang binabasa ang manuskrito, maaaring magdagdag ng maiikling komento ang tagapagsalita bilang pagdiriin subalit hindi niya dapat dagdagan ng iba pang halimbawa at mga teksto ang materyal. Kung may oras pa, maaaring basahin o sipiin ang binanggit na mga teksto. Sa angkop na mga punto, itawag-pansin ang mga pangungusap sa artikulong nasa pahina 1, “Bagong Paglalaan Upang Tulungan Tayong Umiwas sa Dugo.” Ang lahat ng bautisadong mamamahayag ay dapat bigyan ng kalihim ng DPA card at ng “Mga Tagubilin Kung Paano Pupunan ang DPA Card” upang makaalinsabay sila habang tinatalakay ang bahaging ito. Dapat ding tiyakin ng kalihim na may sapat na suplay ng mga Identity Card.

10 min: Ang Papel ng Iyong Budhi. Pahayag ng isang elder, batay sa Hunyo 15, 2004, Bantayan, pahina 23-4, parapo 16-19. Idiin na ang mga pasiyang ginagawa natin salig sa ating budhi ay maselan, yamang nasasangkot dito ang ating kaugnayan kay Jehova.

Awit 8 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 3

Awit 27

5 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura para sa Enero.

20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya​—Bahagi 4.” Pagkatapos ng di-lalampas sa isang-minutong introduksiyon salig sa parapo 1, magkaroon ng limang-minutong pagtatanghal salig sa parapo 2-3, na itinatampok ang isang konduktor sa pag-aaral sa Bibliya na nagtuturo sa isang estudyante kung paano maghahanda sa pag-aaral. Gamitin sa pagtatanghal ang isang parapo sa aklat na Kaalaman o sa brosyur na Hinihiling. Sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan sa parapo 2-5.

20 min: “Paano Ka Makagagawa ng Matatalinong Pasiya?” Pahayag ng isang elder batay sa artikulo ng Bantayan, Oktubre 15, 2003, pahina 4-7.

Awit 79 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share