Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 28, 2005. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 3 hanggang Pebrero 28, 2005. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong gumawa ng pagsasaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano magiging mas madaling maunawaan ang ating pananalita? [be p. 226 par. 1–p. 227 par. 1]
2. Anu-anong termino ang maaaring kailangang bigyan ng karagdagang paliwanag? [be p. 227 par. 2–p. 228 par. 1]
3. Anong pamamaraan ang tutulong sa atin na iharap ang materyal sa paraang tunay na nakapagtuturo sa ating mga tagapakinig? [be p. 231 par. 1-3]
4. Paano natin gagawing nakapagtuturo sa ating mga tagapakinig ang pagbasa ng isang pamilyar na teksto? [be p. 231 par. 4-5]
5. Ano ang maaaring maging epekto ng pagpapasigla sa ating mga tagapakinig na magtuon ng pansin sa mga detalye ng isang pamilyar na ulat sa Bibliya? [be p. 232 par. 2-4]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang kasama sa pagtuturo sa mga tao na ‘matakot sa tunay na Diyos at tuparin ang kaniyang mga utos’? (Ecles. 12:13) [be p. 272 par. 3–p. 273 par. 1]
7. Paano natin maitutuon ang pansin hindi lamang sa pangalang Jehova kundi gayundin sa kung anong uri siya ng Diyos? (Joel 2:32) [be p. 274 par. 2-4]
8. Gaano kahalaga ang kumuha ng kaalaman tungkol kay Jesus at magpatotoo tungkol sa kaniya? (Juan 17:3) [be p. 275 par. 7]
9. Paano tuwirang nauugnay sa pag-unawa sa papel na ginagampanan ni Jesus ang pagkakaroon ng sinang-ayunang kaugnayan sa Diyos at kaunawaan sa Bibliya? [be p. 276 par. 1]
10. Paano natin maipakikita na talagang naniniwala tayong si Jesu-Kristo ay Hari? [be p. 277 par. 4]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Isa bang mananamba ng mga idolo ang ama ni Abraham na si Tera? (Jos. 24:2)
12. Nawalan ba ng lakas ng loob si Gideon nang tuparin niya ang atas na ibinigay sa kaniya ni Jehova? Bakit gayon ang sagot mo? (Huk. 6:25-27)
13. Ano ang matututuhan natin sa paraan ng pakikipag-usap ni Gideon sa tribo ni Efraim? (Huk. 8:1-3)
14. Ano ang ipinahihiwatig ng pagiging hindi mapagpatulóy ng mga tao sa Gibeah? (Huk. 19:14, 15)
15. Kung ‘nakagawiang gawin ng bawat isa kung ano ang tama sa kaniyang sariling paningin,’ itinaguyod ba nito ang kaguluhan? (Huk. 21:25)