Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/05 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 2/05 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Itatampok ang aklat na Maging Malapít kay Jehova. Marso 1-20: Ialok ang aklat na Kaalaman na may tunguhing makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Marso 21—Abril 17: Pantanging kampanya sa pamamahagi ng brosyur na Patuloy na Magbantay! Abril 18—Mayo 31: Itampok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw muli sa mga interesado, pati na sa mga dumadalo sa Memoryal o sa iba pang teokratikong okasyon ngunit hindi aktibong kaugnay sa kongregasyon, magtuon ng pansin sa pagpapasakamay ng aklat na Sambahin ang Diyos. Ang tunguhin ay makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, lalo na sa mga indibiduwal na nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at brosyur na Hinihiling.

◼ Ang pantanging pahayag pangmadla para sa 2005 ay bibigkasin sa Linggo, Abril 10, 2005. Ang magiging paksa ng pahayag ay “Bakit Nagdusa at Namatay si Jesus?” Ilalaan ang isang balangkas. Sa mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, pansirkitong asamblea, o araw ng pantanging asamblea sa dulo ng sanlinggong iyon, gaganapin ang pantanging pahayag sa Abril 17, 2005. Ang mga kongregasyong hindi nagdaraos ng pulong pangmadla sa araw ng Linggo ay maaaring mag-iskedyul ng pantanging pahayag mula Abril 11 hanggang 16, 2005.

◼ Dapat repasuhin ng Kalihim at ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa katapusan ng Pebrero. Kung nahihirapan ang sinuman na abutin ang kahilingang oras, dapat isaayos ng mga elder na magbigay ng tulong. Kung masyadong mababa ang kanilang oras anupat imposibleng maabot ang taunang kahilingan, baka makabubuting isaalang-alang na lamang nila na ang paglilingkod bilang regular na auxiliary pioneer.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Kapag nagawa na ito, ipatalastas ito sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.

◼ Sa Linggo, Pebrero 20, 2005, magkakaroon ng pulong ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo. Pinasisigla ang lahat na isaalang-alang ang pag-o-auxiliary pioneer sa panahon ng pantanging kampanya sa brosyur lalo na sa Marso at Abril. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong na ito, anupat tinitiyak na may sapat na Application for Auxiliary Pioneer Service na ipamamahagi sa lahat ng dadalo sa pulong na ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share