Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 14
  • Linggo ng Pebrero 21
  • Linggo ng Pebrero 28
  • Linggo ng Marso 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 2/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Pebrero 14

Awit 174

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na gamitin ang mga tanong sa pahina 1 upang repasuhin ang kanilang mga nota bilang paghahanda sa pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig hinggil sa programa ng “Lumakad na Kasama ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon na gaganapin sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang itanghal kung paano ihaharap ang Pebrero 15 ng Bantayan at ang Pebrero 22 ng Gumising! Repasuhin sa maikli kung paano iaangkop ang mga halimbawang presentasyon sa mga kalagayan sa inyong teritoryo.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005, p. 8.

35 min: “Panahon ng Memoryal—Isang Panahon ng Pinag-ibayong Gawain.”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Kapag tinatalakay ang parapo 6, banggitin ang mga komento sa Gumising! ng Setyembre 8, 2004, pahina 12-13. Ipatalastas ang mga nagpatala bilang auxiliary pioneer. Banggitin sa maikli ang isinaayos na karagdagang mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan. Pasiglahin ang lahat na pag-ibayuhin ang kanilang espirituwal na gawain sa panahon ng Memoryal.

Awit 14 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 21

Awit 31

5 min: Lokal na mga patalastas.

40 min: “Pinasisigla Tayo ng Pandistritong Kombensiyon na Lumakad na Kasama ng Diyos.” Pangangasiwaan ng isang elder. Pagkatapos ng pambungad na hindi lalampas sa isang minuto, magsagawa ng pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig hinggil sa programa ng kombensiyon na ginagamit ang mga tanong sa artikulo. Hati-hatiin ang panahon upang masaklaw ang lahat ng mga tanong, marahil isang sagot lamang ang isasaalang-alang sa ilang katanungan. Hindi lahat ng binanggit na kasulatan ay mababasa sa itinakdang panahon; inilakip ang mga ito para madaling hanapin ang mga sagot. Ang mga komento ay dapat nakatuon sa mga pakinabang ng pagkakapit ng mga bagay na natutuhan.

Awit 21 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 28

Awit 42

15 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Pebrero. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Marso 1 ng Bantayan at ang Marso 8 ng Gumising! Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang presentasyon. Sa katapusan ng isa sa mga presentasyon, aanyayahan ng mamamahayag ang may-bahay na dumalo sa Memoryal na ginagamit ang huling pahina ng Marso 8 ng Gumising!

20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 6.”b Magkaroon ng apat-na-minutong pagtatanghal kung saan itinatanong ng isang estudyante sa Bibliya kung bakit napakakaunti lamang sa mga dumalo sa Memoryal ang nakikibahagi sa tinapay at alak. Papupurihan siya ng konduktor dahil sa kaniyang tanong, isusulat ito, at imumungkahing tatalakayin nila ito pagkatapos maisaalang-alang ang materyal na pag-aaralan nila sa linggong iyon. Pagkatapos ng pag-aaral, ipakikita ng konduktor sa estudyante ang materyal sa ilalim ng tanong na “Sino ang makikibahagi sa tinapay at alak?” sa pahina 241 [pahina 267-8 sa Ingles] ng aklat na Nangangatuwiran. Magkasama nila itong babasahin, at magpapasalamat ang estudyante dahil nasagot nang malinaw ang ibinangon niyang tanong.

10 min: “Tulungan Silang Makatanggap ng Higit Pang Patotoo.” Repasuhin ang pangunahing mga punto sa artikulong nasa pahina 6. Pasiglahin ang lahat na punan agad ang Please Follow Up (S-43) form kung kinakailangan.

Awit 72 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 7

Awit 12

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang pangunahing mga punto sa kahong “Mga Paalaala sa Memoryal.”

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Itampok ang mga Magasin sa Iyong Ministeryo.”c Kapag tinatalakay ang parapo 3 at 4, ikapit sa inyong kongregasyon ang materyal. Kapanayamin sa maikli ang isa o dalawang mamamahayag na mahusay sa pagpapasakamay ng mga magasin sa mga lugar ng negosyo, sa lansangan, sa pampublikong mga dako, o kapag nagpapatotoo nang di-pormal. Hilinging ipaliwanag nila kung paano sila nag-aalok ng mga magasin sa gayong mga tagpo. Magkaroon ng maikling pagtatanghal ng isang presentasyon o pagsasadula ng isang karanasan.

Awit 192 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share