Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 14
  • Linggo ng Marso 21
  • Linggo ng Marso 28
  • Linggo ng Abril 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 3/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Marso 14

Awit 132

8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 upang itanghal kung paano ihaharap ang Marso 15 ng Bantayan at ang Marso 22 ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang pagdalaw-muli sa isang ruta ng magasin. Sa pagtatapos ng presentasyon, gamitin ang huling pahina ng Marso 15 ng Bantayan upang ipaalaala sa may-bahay ang nalalapit na pagdiriwang ng Memoryal.

17 min: “Higit na Pagdiriin sa Bibliya!”a Gamitin ang inilimbag na mga tanong.

20 min: “Pantanging Kampanya sa Pamamahagi ng Bagong Brosyur.”b Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ipatanghal ang mungkahing mga presentasyon. Sa isa sa mga pagtatanghal, hindi gaanong magpapakita ng interes sa maka-Kasulatang presentasyon ang may-bahay at aalukan na lamang siya ng tract sa halip na brosyur.

Awit 137 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 21

Awit 140

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin sa maikli ang mga kaayusan para sa pantanging kampanya sa pamamahagi ng bagong brosyur.

15 min:  Isang Paglalaan Upang Patibayin Tayo. Pagkatapos ng pambungad na hindi lalampas nang isang minuto, makipagtalakayan sa mga tagapakinig na ginagamit ang 2005 Taunang Aklat. Napapalapít tayo kay Jehova at sa ating mga kapatid sa buong daigdig kapag binubulay-bulay natin ang kaniyang kamangha-manghang gawain sa makabagong panahon. (Awit 77:12-14) Pinatitibay tayo nito na manindigan laban sa Diyablo, anupat nagiging “matatag sa pananampalataya.” (1 Ped. 5:8, 9) Tinutulungan nito ang mga baguhan na linangin ang pagpapahalaga sa organisasyon ni Jehova. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang mga puntong napahalagahan nila sa pagbabasa ng 2005 Taunang Aklat. Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang indibiduwal kung paano nila iniiskedyul ang kanilang personal na pagbabasa ng Taunang Aklat.

20 min: Ano ba ang Armagedon? Pagkatapos ng pambungad na hindi lalampas nang isang minuto, idaos ang tanong-sagot na pakikipagtalakayan batay sa pahina 41-6 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 44-9 sa Ingles). Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa mga tanong na nakalimbag sa makakapal na letra, na ginagamit ang sinipi at binanggit na mga kasulatan. Talakayin kung paano natin magagamit ang impormasyong ito sa ministeryo sa larangan.

Awit 109 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 28

Awit 144

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at pagpapasalamat sa donasyong tinanggap. Pasiglahin ang lahat na anyayahan ang mga interesado na dumalo sa pantanging pahayag pangmadla sa Abril 10. Itanghal ang isang presentasyon sa pag-aalok ng bagong brosyur na may maiinam na resulta sa inyong teritoryo. Kung may panahon pa, maglahad ng mga karanasan sa pantanging kampanya.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: Itampok Ang Bantayan at Gumising! Repasuhin ang mga mungkahing nasa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2005, pahina 8 kung paano makapagpapasakamay ng mas maraming magasin. Talakayin ang nakapupukaw-interes na mga punto sa kasalukuyang mga isyu ng magasin. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Abril 1 ng Bantayan at ang Abril 8 ng Gumising! Sa bawat presentasyon, ipaliwanag kung paano tinutustusan ang ating pambuong-daigdig na gawain.—Tingnan Ang Bantayan, p. 2, o ang Gumising! p. 5.

Awit 116 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 4

Awit 119

10 min: Lokal na mga patalastas at mga karanasan. Anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng kanilang mga karanasan sa panahon ng pantanging kampanya sa pamamahagi ng bagong brosyur. Isaayos nang patiuna na isadula ang natatanging mga karanasan. Kung papaubos na ang suplay ng brosyur sa kongregasyon, hilingin sa mga mamamahayag na ibalik ang ekstrang mga kopya sa iskaparate ng literatura.

20 min: Magpakita ng Pagmamalasakit sa Mahihina. (Gawa 20:35) Pagkatapos ng pambungad na hindi lalampas sa isang minuto, talakayin nang tanong-sagot ang Bantayan ng Hulyo 1, 2004, pahina 17-18, parapo 12-16, gaya ng Pag-aaral sa Bantayan. Ipabasa ang mga parapo sa isang brother na mahusay bumasa. Itawag-pansin kung paano maikakapit ang impormasyon may kaugnayan sa mga dumalo sa Memoryal o sa mga dadalo sa pantanging pahayag.

15 min: “Kailangan ang Tulong Mo.”c Kapanayamin sandali ang isang elder. Ipalahad kung ano ang nagpasigla sa kaniya na umabot ng mga pananagutan sa paglilingkod sa kongregasyon at kung ano ang tumulong sa kaniya na maging kuwalipikado.

Awit 36 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share