Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Mayo 9
  • Linggo ng Mayo 16
  • Linggo ng Mayo 23
  • Linggo ng Mayo 30
  • Linggo ng Hunyo 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 5/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Mayo 9

Awit 217

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 upang itanghal kung paano ihaharap ang Mayo 15 ng Bantayan at ang Mayo 22 ng Gumising! Sa isa sa mga presentasyon, itanghal ang di-pormal na pag-aalok ng mga magasin sa pampublikong transportasyon.

15 min: Gamitin ang Salita ng Diyos Upang Abutin ang Puso. Isang pahayag batay sa Bantayan ng Pebrero 1, 2005, pahina 28-31. Isaalang-alang kung paano ginamit ni Jesus ang Kasulatan upang tulungan si Pedro. Talakayin kung paano natin matutularan ang halimbawa ni Jesus kapag kailangang ituwid ang pag-iisip at damdamin ng ating mga anak, ng ating mga estudyante sa Bibliya, at maging ang pag-iisip at damdamin natin mismo.

20 min: “Gumawa ng Praktikal na Iskedyul ng Pamilya.” Sa introduksiyon na hindi lalampas sa dalawang minuto, itampok ang kahalagahan ng nasusulat na iskedyul at talakayin kung paano pupunan ang blangkong iskedyul sa pahina 6. Sundan ng tanong-sagot na pagtalakay sa artikulong “Iskedyul ng Pamilya—Mga Pulong ng Kongregasyon.” Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung ano ang ginagawa nila upang hindi makahadlang sa mga pulong ng kongregasyon ang ibang mga gawain. Tatalakayin sa susunod na mga linggo ang karagdagan pang mga aspekto ng iskedyul ng pamilya.

Awit 176 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 16

Awit 201

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Iskedyul ng Pamilya—Paglilingkod sa Larangan Bilang Pamilya.”a Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mga kapakinabangan ng regular na paggawang magkakasama sa ministeryo bilang pamilya.

20 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 8.”b Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung saan binibigyan ng isang mamamahayag ang bagong estudyante sa Bibliya ng kopya ng brosyur na Mga Saksi ni Jehova—Sino Sila? Ano ang Pinaniniwalaan Nila? Itatawag-pansin ng mamamahayag ang larawan sa pahina 20 ng brosyur at ilalarawan sa maikli ang Pulong Pangmadla. Babanggitin niya ang pamagat ng susunod na pahayag pangmadla at aanyayahan ang estudyante na dumalo.

Awit 134 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 23

Awit 194

12 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang mga pagpapasalamat sa donasyong natanggap. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Hunyo 1 ng Bantayan at ang Hunyo 8 ng Gumising!

18 min: “Malapit Na ang Araw ni Jehova.”c Kapag pinaghahandaan ang bahaging ito, sumangguni sa aklat na Hula ni Daniel, pahina 59, parapo 28.

15 min: “Iskedyul ng Pamilya—Ang Pampamilyang Pag-aaral.”d Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang indibiduwal kung paano nila iniiskedyul ang kanilang pampamilyang pag-aaral at kung anong mga pagsisikap ang kailangan upang maidaos ito nang regular.

Awit 152 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 30

Awit 190

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan sa Mayo. Banggitin ang alok na literatura para sa Hunyo. Itanghal kung paano ihaharap ang alok, na ginagamit ang isa o dalawang mungkahing presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005

20 min: “Iskedyul ng Pamilya—Ang Pang-araw-araw na Teksto.”e Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano nakikinabang ang kanilang pamilya sa sama-samang pagsasaalang-alang ng pang-araw-araw na teksto at kung anong iskedyul ang nasumpungan nilang praktikal para gawin ito.

15 min: Ilahad o isadula ang mga karanasang tinamasa sa paglilingkod sa larangan noong Marso, Abril, at Mayo. Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang indibiduwal hinggil sa pagsisikap nila na pag-ibayuhin ang kanilang pakikibahagi sa ministeryo sa panahon ng Memoryal at hinggil sa mga pagpapalang tinamasa nila dahil dito.

Awit 115 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 6

Awit 155

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Linangin ang Interes sa Pamamagitan ng Ruta ng Magasin.”f Kapag tinatalakay ang parapo 3, itawag-pansin ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 88-93 (p. 227-32 sa Ingles). Maaaring gamitin ang materyal na ito upang paghandaan ang iba’t ibang presentasyong gumagamit ng isang teksto hinggil sa isasagawa ng Kaharian ng Diyos. Magkaroon ng pagtatanghal kung paano gagawin ng mamamahayag ang presentasyong gumagamit ng isang teksto sa indibiduwal na kabilang sa kaniyang ruta ng magasin. Tatalakayin at ilalarawan ng mamamahayag sa maikli ang pagkakapit ng kasulatan upang tulungan ang may-bahay na maunawaan ito nang wasto at makita ang kahalagahan nito sa kaniyang buhay.

Awit 107 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share