Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Disyembre 12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano ihaharap ang Disyembre 15 ng Bantayan at Disyembre 22 ng Gumising! Pagkatapos ng bawat pagtatanghal, komentuhan kung gaano kadaling ilakip ang isang teksto sa presentasyon. Ipaalaala sa mga mamamahayag ang petsa ng programa ng pansirkitong asamblea at ng araw ng pantanging asamblea para sa 2006 kung alam na ito.
15 min: “Isang Paaralan na Tumutulong sa Atin na Gumawa ng Praktikal na Pagkakapit.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Ilakip ang mga komento mula sa insert ng Nobyembre 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Edukasyong Umaakay sa Buhay.”a Isaayos nang patiuna na magkomento ang isa o dalawang mamamahayag hinggil sa kung paano sila nakinabang sa edukasyon mula sa Diyos.
Awit 101 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 19
5 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa Disyembre 25 at Enero 1. Ipaalaala sa lahat na dalhin ang isyu ng Enero 2006 ng Gumising! sa Pulong sa Paglilingkod sa susunod na linggo.
15 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagiging Madaling Makibagay.”b Ilakip ang isang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung paano maaaring ibagay ng mamamahayag ang kaniyang presentasyon batay sa mga komento ng may-bahay.
25 min: “Ngayon Na ang Panahon Upang Mangaral!”c Patiunang isaayos na magkomento ang isa o dalawang regular pioneer hinggil sa mga pagbabagong ginawa nila para makapagpayunir at sa mga pagpapalang tinamasa nila bunga nito.
Awit 56 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 26
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Disyembre. Banggitin ang alok na literatura para sa Enero at sabihin kung saan masusumpungan ang mungkahing mga presentasyon.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Bagong mga Bahagi ng Gumising! Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Banggitin ang mga pagbabago sa Gumising! na ipinatalastas sa Marso 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 1, parapo 5-6. Ilakip ang mga komento “Sa Aming mga Mambabasa” sa Gumising! ng Enero 2006, pahina 3-4. Banggitin ang mga halimbawa kung paano tuwirang inaakay ng magasin ang pansin ng mga mambabasa tungo sa Bibliya. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa bagong bahagi sa pahina 31. Patuloy nating iaalok Ang Bantayan at Gumising! nang magkasama sa unang pagdalaw. Siyempre pa, ipapasakamay lamang natin ang isang kopya ng bawat isyu ng Gumising! sa ating ruta ng magasin at sa iba na regular na tumatanggap ng mga magasin. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Enero 1 ng Bantayan at ang Gumising! ng Enero. Maaaring gumamit ng ibang makatotohanang mga presentasyon. Ang isyu ng Enero ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay maglalakip ng ikalawang presentasyon para sa Gumising! ng Enero na itinatampok ang isa sa mga pangalawahing artikulo. Maaaring gamitin ang dalawang presentasyon sa buong buwan.
Awit 222 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 2
5 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “May-Katalinuhang Gamitin ang Ating Salig-Bibliyang mga Literatura.”d Ilakip ang mga komento mula sa Setyembre 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 1.
10 min: “Ginagamit Mo ba ang mga Handbill?” Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento hinggil sa mabubuting resulta ng paggamit ng mga handbill. Ilakip ang maikling pagtatanghal ng isang mamamahayag na nag-aanyaya sa isang interesado na dumalo sa pagpupulong gamit ang handbill.
15 min: Ipamalas ang mga Pamantayan ng Diyos sa Ating Pananamit at Pag-aayos. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig ng isang elder salig sa Agosto 1, 2002, Bantayan, pahina 17-19. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paanong ang huwaran nating pananamit at pag-aayos ay makapagbubukas ng daan para makapagpatotoo.
Awit 48 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.