Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Enero 9
  • Linggo ng Enero 16
  • Linggo ng Enero 23
  • Linggo ng Enero 30
  • Linggo ng Pebrero 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 1/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

PANSININ: Isa o dalawang buwan matapos dumalo ang kongregasyon sa “Makadiyos na Pagkamasunurin” na Pandistritong Kombensiyon, maglaan ng 15 hanggang 20 minuto sa Pulong sa Paglilingkod (marahil ginagamit ang bahagi ng lokal na mga pangangailangan) para sa pagrerepaso sa mga puntong tinalakay sa kombensiyon.—⁠Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Oktubre 2005, p. 2.

Linggo ng Enero 9

Awit 10

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Enero 15 ng Bantayan at ang Enero ng Gumising!

15 min: “Aklat na Itinuturo ng Bibliya—⁠Ang Ating Pangunahing Pantulong sa Pag-aaral ng Bibliya.”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod.

20 min: “Kung Paano Magpapasimula ng mga Pag-aaral sa Aklat na Itinuturo ng Bibliya.” Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig na may mga pagtatanghal batay sa pahina 3 ng insert. Magsaayos ng tatlong pagtatanghal na nagpapakita kung paano gagamitin ang (1) pahina 4-5, (2) pahina 6, at (3) ang unang parapo sa pahina 7 sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya kapag dumadalaw muli. Sa pagtatapos ng bawat pagtatanghal, isasaayos ng mamamahayag ang susunod na pagdalaw.

Awit 125 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 16

Awit 178

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang lahat na panoorin ang video na Transfusion-Alternative Health Care—⁠Meeting Patient Needs and Rights bilang paghahanda sa talakayan na idaraos sa Pulong sa Paglilingkod makalipas ang dalawang linggo.

15 min: Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa pahina 4-7 ng aklat na Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova. Pagkatapos ng pambungad na wala pang tatlong minuto batay sa pahina 4, makipagtalakayan sa tagapakinig gamit ang pahina 5 hanggang sa subtitulo sa pahina 7. Tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa hinaharap ang iba pang mga bahagi ng aklat na Organisado.

20 min: “Mga Kabataang Sumisikat Bilang mga Tagapagbigay-Liwanag.”b Anyayahan ang mga kabataan na ipaliwanag kung paano sila nakapagpapatotoo sa paaralan.

Awit 107 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 23

Awit 60

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8, itanghal kung paano ihaharap ang Pebrero 1 ng Bantayan at ang Pebrero ng Gumising!

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Magpakita ng Personal na Interes—⁠Sa Pamamagitan ng Pagtatanong at Pakikinig.”c Kapag tinatalakay ang parapo 2, tanungin ang tagapakinig kung anong mga tanong ang nakita nilang mabisa sa pagpapasimula ng pag-uusap. Itanghal kung paano aalamin ang niloloob ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng mataktikang mga tanong at pakikinig nang mabuti.

Awit 205 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 30

Awit 197

10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero, at itanghal ang isang presentasyon.

15 min: Pahayag ng isang elder sa paksang “Sinanay Bang Mabuti ang Iyong Budhi?,” batay sa artikulo ng Bantayan sa isyu ng Oktubre 1, 2005, pahina 12-15.

20 min: “Video na Nagtatampok sa Isang Mahalagang Kalakaran sa Paggamot.” Basahin ang Gawa 15:28, 29, at idiin sa maikli na ang pangunahing dahilan kung bakit tumatangging magpasalin ng dugo ang mga Kristiyano ay sapagkat iginagalang nila ang kautusan ng Diyos hinggil sa kabanalan ng dugo. Saka talakayin ang video na Patient Needs and Rights, gamit ang mga tanong sa artikulo. Magtapos sa pamamagitan ng pagbasa sa huling parapo. (Pansinin: Kung walang isa man sa kongregasyon ang may video na ito, isang elder ang dapat magbigay ng pahayag batay sa Hunyo 15, 2004 ng Bantayan, pahina 29-31.)

Awit 45 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 6

Awit 74

10 min: Lokal na mga patalastas.

25 min: Maging Pamilyar sa Ating Bagong Pantulong sa Pag-aaral. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Pagkomentuhin ang mga tagapakinig hinggil sa nagugustuhan nilang mga bahagi ng aklat na Itinuturo ng Bibliya, gaya ng pambungad na mga tanong at kahon sa pagrerepaso na nagtatampok sa pangunahing mga punto ng bawat kabanata (p. 106, 114), mga visual aid (p. 122-3, 147, 198), at apendise (p. 197, par. 1-2). Magiliw at kaakit-akit ang paraan ng pagtuturo ng aklat na ito (p. 12, par. 12). Nagbibigay ito ng simple at malinaw na mga paliwanag (p. 58, par. 5) at gumagamit ng mabisang mga ilustrasyon (p. 159, par. 12). Ang paunang salita ay dinisenyo upang tulungan tayong makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya (p. 3-7). Itanghal kung paano tatalakayin sa isang bagong estudyante sa Bibliya ang kahon sa pahina 7.

10 min: Nagdudulot ng mga Pagpapala ang Pag-o-auxiliary Pioneer. (Kaw. 10:22) Anyayahan ang mga nag-auxiliary pioneer noong nakaraang tag-araw na ilahad ang naranasan nilang kagalakan at pagpapala dahil dito. Pasiglahin ang lahat na pag-isipan nang may pananalangin kung makapag-o-auxiliary pioneer sila sa Marso, Abril, at Mayo.

Awit 16 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share