Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 13
  • Linggo ng Pebrero 20
  • Linggo ng Pebrero 27
  • Linggo ng Marso 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 2/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Pebrero 13

Awit 121

10 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano ihaharap ang Pebrero 15 ng Bantayan at ang Pebrero ng Gumising! Sa isang presentasyon, itanghal ang pagpapatotoo sa pampublikong lugar.

10 min: Umaalinsabay Ka ba sa Pagsulong ng Organisasyon ni Jehova? Pahayag batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 7-10.

25 min: “Itawag-Pansin ‘ang Liwanag ng Sanlibutan.’ ”a Gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Pasiglahin ang lahat na dumalo sa pulong para sa mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Linggo, Pebrero 19. Banggitin ang mga komento sa mga sampol na iskedyul para sa mga auxiliary pioneer na nasa pahina 5 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2005.

Awit 224 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 20

Awit 89

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Magbukas ng mga Pagkakataon Upang Makapagpatotoo.”b Anyayahang magkomento ang isang mamamahayag na may mahirap na kalagayan kung paano siya nakapagbubukas ng mga pagkakataon upang makapagpatotoo.

20 min: “Isang Tulong na Kaagad Masusumpungan.”c Gagampanan ng isang elder. Banggitin ang maiikling komento sa “Tanong” sa isyu ng Nobyembre 1998 at Nobyembre 2000 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

Awit 1 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 27

Awit 20

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Pebrero. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano ihaharap ang alinman sa Marso 1 ng Bantayan o ang Marso ng Gumising!

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

25 min: Kung Paano Iaalok ang Aklat na Itinuturo ng Bibliya. Iaalok natin sa Marso ang bagong aklat. Gamit ang mga mungkahi sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2006, pahina 3-6, repasuhin at itanghal ang ilang presentasyon na angkop na angkop sa inyong teritoryo. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang natatangi nilang mga karanasan sa paggamit ng bagong aklat, lalo na ang napasimulang mga pag-aaral sa Bibliya.

Awit 148 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 6

Awit 51

10 min: Lokal na mga patalastas. Dahil madaling dalhin at kaakit-akit tingnan ang mga tract, magagamit ang mga ito sa pagpapasimula ng pag-uusap kapag nakikibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay, nangangaral sa pampublikong mga lugar, at nagpapatotoo nang di-pormal. Itanghal kung paano magpapasimula ng usapan gamit ang bagong tract na Lahat ng Pagdurusa Malapit Nang Magwakas! Itampok ang isa sa siniping mga teksto sa pahina 2 ng tract.

15 min: “Magpakita ng Personal na Interes—⁠Sa Pamamagitan ng Paghahanda.”d Magkaroon ng maikling pagtatanghal ng dalawang mamamahayag na naghahanda sa pag-aalok ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Pipili sila ng presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2006 at pag-uusapan nila kung paano sasabihin ito sa sarili nilang salita at kung paano ito ibabagay sa teritoryo. Magtatapos ang pagtatanghal kapag aktuwal na nilang eensayuhin ang presentasyon.

20 min: “Gumamit ng Mabibisang Visual Aid sa Pagtuturo.”e Habang tinatalakay mo ang bawat video na binanggit sa artikulo, ipakita ang cover at basahin ang maikling halaw na naglalarawan sa nilalaman nito. Ipalahad sa mga tagapakinig ang mga karanasan nila sa paggamit ng mga video sa kanilang ministeryo.—⁠Tingnan ang 1997 Yearbook, p. 54, at ang 1995 Yearbook, p. 50-1.

Awit 68 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share