Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/06 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 13
  • Linggo ng Marso 20
  • Linggo ng Marso 27
  • Linggo ng Abril 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 3/06 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Marso 13

Awit 41

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Marso 15 ng Bantayan at ang Marso ng Gumising! Sa pagtatapos ng bawat presentasyon, aanyayahan ng mamamahayag ang may-bahay sa Memoryal, gamit ang pabalat sa likod ng magasing itinatampok.

15 min: “Tulungan ang Iba na Makinabang sa Pantubos.”a Sa kasunod nitong bahagi, tatalakayin nang higit kung paano natin magagamit ang pahina 206-8 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya kapag inaanyayahan ang mga tao sa Memoryal.

20 min: Ang Hapunan ng Panginoon—⁠Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos. Tanong-sagot na pagtalakay batay sa pahina 206-8 ng aklat na Itinuturo ng Bibliya. Sa introduksiyon na wala pang isang minuto, ipakita kung paano maihaharap sa may-bahay ang paksa sa pamamagitan ng pagbasa sa unang parapo. Pagkatapos, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa sumusunod na mga tanong nang hindi na ipinababasa ang mga parapo: (par. 2) Kailan pinasimulan ni Jesus ang Memoryal ng kaniyang kamatayan? (par. 3) Gaano kadalas dapat ipagdiwang ang Hapunan ng Panginoon? (par. 4) Paano inilalarawan ng Bibliya ang pagdiriwang ng Memoryal? (par. 5) Paano natin nalaman na hindi binago ni Jesus ang tinapay tungo sa literal na laman niya at ang alak tungo sa kaniyang dugo? (par. 6) Ano ang isinasagisag ng tinapay na walang lebadura, o pampaalsa? (par. 7) Sa ano kumakatawan ang pulang alak? (par. 8) Sino lamang ang dapat makibahagi sa tinapay at alak? (par. 9) Kailan ginaganap ang Memoryal taun-taon, at bakit tayo dapat dumalo rito? Itampok ang susing mga teksto kung may oras pa. Pasiglahin ang lahat na talakayin ang impormasyong ito sa kanilang mga estudyante sa Bibliya at sa iba pa na inaanyayahan nila sa Memoryal sa pamamagitan ng pagbasa sa mga parapo, pagtalakay sa pangunahing mga punto, at paggamit ng simpleng mga tanong, gaya ng nasa bahaging ito.

Awit 134 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 20

Awit 18

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang pangunahing mga punto sa kahong “Mga Paalaala sa Memoryal.”

23 min: Ang Papel ni Kristo sa Kaayusan ng Diyos. Isang pahayag salig sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 10-13. Kapag tinatalakay ang unang dalawang parapo sa ilalim ng subtitulong “Kung Ano ang Papel ni Kristo,” gumamit ng tatlo o apat na minuto upang magmungkahi at magtanghal ng mga paraan ng paggamit sa imbitasyon sa Memoryal. Repasuhin ang mga mungkahi sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2006, pahina 3, parapo 3.

12 min: Napalalakas sa Pamamagitan ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa paunang salita ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—⁠2006. Isaayos ang pagtatanghal ng isang pamilya na sama-samang tatalakay sa teksto at mga komento sa araw na ito.

Awit 103 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 27

Awit 44

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Marso. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4, itanghal kung paano ihaharap ang Abril 1 ng Bantayan at ang Abril ng Gumising! Ipakita rin kung paano gagamitin ang nakalimbag na imbitasyon sa pag-aanyaya sa mga interesado na dumalo sa Memoryal.

10 min: Kontrolado Pa ba ng Diyos ang mga Bagay-bagay? Pahayag at pagtatanghal salig sa pabalat sa likod ng Bantayan, Abril 1, 2006. Samantalahin ang bawat pagkakataon upang anyayahan ang mga tao sa pantanging pahayag pangmadla. Tiyaking anyayahan ang bawat estudyante sa Bibliya maging ang mga kapamilya nito na hindi nakikipag-aral ng Bibliya. Lahat ng kilala nating interesado at iba pa na nakakausap natin sa paglilingkod sa larangan ay dapat bigyan ng pantanging imbitasyon na ito. Itanghal kung paano gagamitin ang Bantayan ng Abril 1 kapag inaanyayahan ang isang di-aktibo o hindi na dumadalo sa mga pagpupulong.

20 min: Lokal na mga karanasan. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang kanilang mga karanasan sa pag-aalok ng aklat na Itinuturo ng Bibliya noong buwan ng Marso. Itampok ang napasimulang mga pag-aaral sa Bibliya. Maaaring isadula ang isa o dalawang namumukod-tanging karanasan.

Awit 170 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 3

Awit 199

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin sa maikli ang artikulong “Masiyahan sa Ating Pag-aaral sa Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?” na nasa sa pahina 6 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Pebrero 2006. Akayin ang pansin sa iskedyul ng pag-aaral sa aklat na Itinuturo ng Bibliya. Ipakita rin kung paano gagamitin ang nakalimbag na imbitasyon sa pag-aanyaya sa mga interesado na dumalo sa Memoryal.

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Turuan ang Maaamo na Lumakad sa Daan ng Diyos.”b Ilakip ang mga komento mula sa Bantayan, Hulyo 1, 2004, pahina 16, parapo 9.

Awit 93 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share