Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinmang brosyur. Setyembre: Iaalok ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Dapat gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Ang lahat ng napag-iwanan ng literatura ay dapat dalawing muli sa layuning makapagpasimula ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Oktubre: Ialok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, pakisuyong iharap ang brosyur na Patuloy na Magbantay! upang malinang pa ang interes sa Bibliya.
◼ Sa Sabado, Agosto 26, 2006, magkakaroon ng pangkalahatang paglilinis sa Tahanang Bethel sa Quezon City, kaya ang tanggapan ay isasara sa umagang iyon at walang isasagawang mga tour sa araw na iyon. Ang literature reception ay isasara rin sa umagang iyon.
◼ Simula sa unang linggo ng Setyembre, ibibigay ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang pahayag pangmadla na may pamagat na “Maaari Kang Magkaroon ng Mapayapang Buhay Ngayon—At Magpakailanman!” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng literatura at magasing hawak ng kongregasyon ay dapat gawin sa Agosto 31, 2006, o sa petsang pinakamalapit dito. Ang imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbibilang na ginagawa buwan-buwan ng literature coordinator, at ang kabuuan nito ay dapat isulat sa Literature Inventory (S-18) form. Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay dapat kunin sa (mga) lingkod ng magasin. Dapat pangasiwaan ng kalihim ng coordinating congregation ang imbentaryo. Siya at ang punong tagapangasiwa ng coordinating congregation ang pipirma sa form. Ang bawat coordinating congregation ay tatanggap ng tatlong Literature Inventory form kalakip ng statement ng Hunyo. Pakisuyong ipadala ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang isang kopya para sa inyong rekord. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang work sheet.
◼ Makukuhang Bagong mga Compact Disc:
Watchtower Library—2005 on CD-ROM—Ingles