Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/06 p. 3
  • Nagpakita Sila ng Halimbawa ng Katapatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagpakita Sila ng Halimbawa ng Katapatan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapahalaga sa Ating mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Pagtangkilik sa mga Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
km 7/06 p. 3

Nagpakita Sila ng Halimbawa ng Katapatan

1 Nabuksan noong taóng 1954 ang bagong pitak ng buong-panahong paglilingkod sa Pilipinas—ang gawain ng special pioneer. Malugod na tinanggap ng mga lalaki at babaing may kakayahan at makaranasan sa ministeryong Kristiyano ang atas na maglingkod saanman sila ipadala ng organisasyon. Sa ngayon, pagkalipas ng maraming dekada, ang mga special pioneer ay nagpapakita pa rin ng halimbawa ng katapatan na karapat-dapat tularan.—Heb. 6:12.

2 Nanguna Sila: Sa simula, ang mga special pioneer ang nanguna sa gawaing pangangaral sa mga teritoryong wala pang mga Saksi, lalo na sa isla ng Visayas at Mindanao. Patuloy nilang dinalaw ang lahat ng interesado at nagdaos sila ng mga pag-aaral sa Bibliya. Dahil sa kanilang marubdob na pagsisikap, maraming bagong kongregasyon ang nabuo. Ang kanilang walang-tigil na pag-eebanghelyo ay nakatulong sa mabilis na paglago ng organisasyon na nakikita natin ngayon. (Isa. 60:22) Hanggang ngayon, may mahalagang papel pa rin ang mga special pioneer sa pagpapalaganap ng mabuting balita “sa lahat ng nilalang na nasa silong ng langit.”—Col. 1:23.

3 Karapat-dapat Tularan: May mga special pioneer na ilang dekada nang naglilingkod sa buong-panahong ministeryo. Sa paglipas ng mga taon, nadalisay ang pananampalataya ng matapat na mga lalaki at babaing ito sa ilalim ng iba’t ibang kalagayan. (1 Ped. 1:6, 7) Isinasakripisyo nila ang materyal na kaalwanan mapaglingkuran lamang ang mga lugar na may pantanging pangangailangan. Ang ilan sa kanila ngayon ay may-edad na at mahina na ang pangangatawan, o napapaharap sa iba pang mahirap na kalagayan. (2 Cor. 4:16, 17) Gayunman, ‘umuunlad pa rin sila sa panahon ng kanilang pagiging may-uban.’ (Awit 92:14) Nagtitiwala sila kay Jehova at tumatanggap ng kaniyang pagpapala.—Awit 34:8; Kaw. 10:22.

4 Talaga namang karapat-dapat sa ating magiliw na papuri ang mga special pioneer. Kung may mga special pioneer na naatasan sa inyong kongregasyon, samantalahin mo ang pagkakataong makasama sila at makinabang sa kanilang karanasan. Ipakita mong nagpapahalaga ka sa kanilang paglilingkod bilang tapat na mga tagapaghayag ng Kaharian. Mapatibay ka sana sa kanilang pagiging di-natitinag. Ang lahat ng tumutulad sa kanilang pananampalataya ay tatanggap din ng lingap at pagpapala ni Jehova sapagkat “yaong mga gumagawing may katapatan ay kalugud-lugod sa kaniya.”—Kaw. 12:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share