Repaso Para sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa oral na repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Agosto 28, 2006. Magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 3 hanggang Agosto 28, 2006. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano nakatutulong sa atin ang pagtingin sa mata para maging mas mahuhusay na guro? (Mat. 19:25, 26; Gawa 14:9, 10) [be p. 124 par. 3–p. 125 par. 3]
2. Bakit mahalaga ang pagiging natural, at ano ang tutulong sa atin na ipakita ito kapag nasa ministeryo sa larangan? [be p. 128 par. 1-5, kahon]
3. Bakit tayo dapat magtuon ng pansin sa personal na kalinisan? [be p. 131 par. 1-3]
4. Paano dapat makaimpluwensiya ang “kahinhinan at katinuan ng pag-iisip” sa ating pananamit at pag-aayos? (1 Tim. 2:9) [be p. 131 par. 4–p. 132 par. 1]
5. Anu-anong simulain sa Bibliya ang dapat nating ikapit upang matiyak na ang ating personal na hitsura ay hindi nagpapaaninag ng pag-ibig sa sanlibutan? [be p. 133 par. 2-3]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang pinakamalaking kapakinabangan mula sa pagbabasa? [be p. 21 par. 3]
7. Paano malalaman kung marunong o mangmang ang isang tao? (Kaw. 14:2) [w04 11/15 p. 26 par. 5]
8. Bakit ‘madali ang kaalaman para sa isa na may unawa’? (Kaw. 14:6) [w04 11/15 p. 28 par. 4-5]
9. Ano ang pag-aaral? [be p. 27 par. 3]
10. Paano dapat makaapekto sa atin ang pagbubulay-bulay sa mga nilalang ni Jehova? [w04 11/15 p. 8 par. 4]
LINGGUHANG PAGBASA SA BIBLIYA
11. Noong sinaunang panahon, paano ‘ibinigay ni Jehova ang pananalita’ anupat naging malaking hukbo “ang mga babaing naghahayag ng mabuting balita,” at paano ito kumakapit sa ngayon? (Awit 68:11)
12. Bakit muntik nang huminto si Asap sa paggawa ng tama, at paano naituwid ang kaniyang kaisipan? (Awit 73:2, 3, 17)
13. Bakit tinawag na “butil ng langit” at “tinapay ng mga makapangyarihan” ang manna na inilaan sa mga Israelita? (Awit 78:24, 25)
14. Ano ang “lihim na dako ng Kataas-taasan,” at paano tayo ‘makatatahan’ doon? (Awit 91:1, 2)
15. Sa anong paraan mahalaga sa paningin ni Jehova ang kamatayan ng kaniyang mga matapat? (Awit 116:15)