Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 30, 2007. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Marso 5 hanggang Abril 30, 2007. [Pansinin: Kapag walang mga reperensiya pagkatapos ng tanong, kakailanganin mong magsaliksik upang masumpungan ang mga sagot.—Tingnan ang Paaralan Ukol sa Ministeryo, p. 36-7.]
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano natin mapananatiling simple ang balangkas ng ating pahayag? [be p. 168 par. 4]
2. Banggitin ang apat na paraan upang maiharap natin ang materyal sa lohikal na paraan. [be p. 170 par. 3–p. 172 par. 5]
3. Anu-anong salik ang dapat nating isaisip kapag pinagpapasiyahan kung ano ang isasama sa pahayag? [be p. 173 par. 1-2]
4. Anu-ano ang ilang kapakinabangan ng ekstemporanyong pagpapahayag? [be p. 175 par. 3-5]
5. Bakit mahalagang magsalita sa paraang nakikipag-usap, at paano natin malilinang ang katangiang ito? [be p. 179 par. 4, kahon; be p. 180, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Paano dapat maghanda ang isang kapatid na lalaki kapag inatasan siyang magharap ng mga tampok na bahagi mula sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya? [be p. 47 par. 3-4]
7. Anong aspekto ng pantubos ni Kristo ang higit na mahalaga kaysa sa mga pakinabang na natatanggap natin sa pamamagitan nito? [w05 11/1 p. 14 par. 1]
8. Paano dapat gamitin ang mga reperensiyang Kasulatan sa pahayag pangmadla? [be p. 53 par. 1-2]
9. Ano ang tunguhin ni Jesus bilang guro, at paano natin siya matutularan? [be p. 57 par. 1]
10. Bakit mabisa sa pagtuturo ang paggamit ng mga paghahambing? [be p. 57 par. 3-4]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Paano natin mapagsisikapang ikapit ang payo sa Jeremias 6:16 na lumakad sa “mga landas noong sinaunang panahon, kung nasaan nga ang mabuting daan”?
12. Bakit pinili ni Jehova ang siguana bilang praktikal na halimbawa para sa di-tapat na mga Judio, at ano ang matututuhan natin dito? (Jer. 8:7)
13. Paano natin maikakapit ang Jeremias 15:17 sa ating pananaw hinggil sa paglilibang sa ngayon?
14. Paanong ang mga tao ay gaya ng luwad sa kamay ng Dakilang Magpapalayok, si Jehova? (Jer. 18:5-11)
15. Ano ang kahulugan sa ating panahon ng pagkakasunud-sunod ng mga bansang nakatala sa Jeremias 25:17-26?