Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Iaalok ang indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli sa mga interesado, pati na sa mga dumalo sa Memoryal ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, sikaping makapagpasakamay ng aklat na Itinuturo ng Bibliya sa layuning mapasimulan ang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Iaalok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur.
◼ Ang mga tomo ng 2006 Watchtower at Awake! ay malapit nang makuha at maaari nang umorder ng mga ito. Tandaan na ito ay mga special request item at makaoorder lamang nito kapag espesipikong hiniling ng mga mamamahayag. Kapag natanggap na ang mga order bago dumating ang mga tomo, mamarkahan ito ng “back-ordered” at ipadadala agad sa kongregasyon ang mga tomo kapag natanggap na ang mga ito mula sa Brooklyn.
◼ Hindi tinutugunan ng tanggapang pansangay ang indibiduwal na mga kahilingan para sa literatura. Dapat tiyakin ng punong tagapangasiwa na ipatalastas ang pag-order ng literatura buwan-buwan bago ipadala ng kongregasyon sa sangay ang buwanang kahilingang literatura nito upang maipagbigay-alam ng lahat ng interesadong kumuha ng literatura ang kanilang order sa brother na nangangasiwa sa literatura. Pakisuyong tandaan kung aling literatura ang special request item.
◼ Bilang paalaala, ang adres ng tanggapang pansangay ay hinding-hindi dapat gamitin sa anumang personal na pagliham. Kasama rito ang lahat ng liham at literaturang ipinadadala sa koreo para magpatotoo sa interesadong mga tao na nakatira sa mga lugar na mahirap puntahan. Maaaring gamitin ng mamamahayag ang kaniyang personal na adres, yamang ang kaniyang ministeryo ay personal na paglilingkuran sa Diyos. (Mat. 28:19, 20; Roma 10:14, 15) Subalit kung naiisip niyang hindi matalinong gamitin ang kaniyang adres kapag nagpapatotoo sa pamamagitan ng liham, maaari niyang gamitin ang kaniyang pangalan at ang adres ng Kingdom Hall.—Tingnan ang “Tanong” sa Mayo 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.