Repaso sa Paaralang Teokratiko ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Agosto 27, 2007. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Hulyo 2 hanggang Agosto 27, 2007.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Paano tayo maaaring magpakita ng paggalang sa iba sa ating ministeryo at sa kongregasyon? [be p. 192 par. 2-4]
2. Ano ang mahalaga kung nais nating maipakita ang pananalig kapag ipinahahayag natin ang nais nating sabihin? [be p. 196 par. 1-3]
3. Ano ang ilang mungkahi na tutulong para maging mataktika tayo kapag nagpapatotoo sa iba? [be p. 198 par. 1-5]
4. Paano nasasangkot sa pagiging mataktika ang tamang panahon ng pagsasabi ng isang bagay kapag nagpapatotoo sa iba? (Kaw. 25:11) [be p. 199 par. 1-3]
5. Paano natin mapananatiling positibo ang ating pahayag? [be p. 203 par. 3–p. 204 par. 1]
ATAS BLG. 1
6. Ano ang masasabi tungkol sa pagkakasulat ni Ezekiel sa kaniyang aklat, pati na sa pagiging kanonikal at pagiging tunay nito? [si p. 133 par. 3]
7. Ano ang isang katangian na kailangan upang mabata ng isang tao ang kawalan ng katarungan? [w05 6/1 p. 29 par. 4]
8. Ano ang matututuhan natin sa sagot ni Jesus sa mga Saduceo na nagtanong sa kaniya tungkol sa pagkabuhay-muli? (Luc. 20:37, 38) [be p. 66 par. 4]
9. Kapag itinatanong ng isang estudyante ng Bibliya o ng isang kapananampalataya kung ano ang dapat niyang gawin sa isang espesipikong kalagayan, paano ka dapat sumagot? [be p. 69 par. 4-5]
10. Ano ang nasasangkot sa ‘pagbabago sa puwersa na nagpapakilos sa inyong pag-iisip’? (Efe. 4:23) [be p. 74 par. 4]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Sa Ezekiel 9:2-4, sino ang isinasagisag ng lalaking nadaramtan ng lino, at ano ang kahulugan ng ‘marka sa mga noo’? [w88 9/15 p. 14 par. 18]
12. Sa anong paraan ang mga lider ng relihiyon sa Sangkakristiyanuhan ay tulad ng “mga propetang hangal, na sumusunod sa kanilang sariling espiritu,” gaya ng binabanggit sa Ezekiel 13:3? [w99 10/1 p. 13]
13. Nang banggitin ng mga Israelita ang ‘kasabihan’ sa Ezekiel 18:2, ano ang tinatangka nilang gawin, at anong mahalagang aral tungkol sa pananagutan ang itinatampok nito? [w88 9/15 p. 18 par. 10]
14. Sa anong diwa naging “pipi” si Ezekiel noong panahon ng pagkubkob at pagwasak sa Jerusalem? (Ezek. 24:27; 33:22) [w03 12/1 p. 29]
15. Sino si “Gog ng lupain ng Magog,” at kailan siya kikilos para puksain ang bayan ni Jehova? (Ezek. 38:2, 16) [w97 3/1 p. 14 par. 1–p. 15 par. 3]