Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur; gayunman, makabubuting laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang magkaroon ng pagkakataong makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kung may ganito nang aklat ang mga may-bahay, ipakita kung paano sila makikinabang dito sa pamamagitan ng maikling pagtatanghal ng isang pag-aaral sa Bibliya. Oktubre: Mga magasing Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes ang kausap, iharap at talakayin ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? sa layuning makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kapag sinabi ng may-bahay na wala silang anak, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay!
◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10) kalakip ng statement ng Hunyo. Pupunan ng kalihim ng kongregasyon ang form na ito nang tumpak at malinis. Pagkatapos, dapat itong maingat na suriin ng komite sa paglilingkod. Itatala sa likod ng form na ito ang lahat ng regular pioneer, pati na ang kabuuang oras nila para sa taon ng paglilingkod. Ang orihinal na kopya ng form na ito ay ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Setyembre 6, 2007. Ingatan ang ekstrang kopya para sa inyong rekord.
◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2008 at 2008 Calendar. Magpapadala kami ng special order blank para sa dalawang ito kasama ang statement ng Hunyo. Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gumagamit ng Kingdom Hall, ang order ng bawat kongregasyon ay kokolektahin ng literature coordinator at pagsasama-samahin sa isang order blank na ipadadala sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Agosto 15, 2007.