Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/07 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Subtitulo
  • Linggo ng Agosto 13
  • Linggo ng Agosto 20
  • Linggo ng Agosto 27
  • Linggo ng Setyembre 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 8/07 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Agosto 13

Awit 20

15 min: Lokal na mga patalastas. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Agosto 15 ng Bantayan at ang Agosto ng Gumising!

15 min: Makinabang sa Teokratikong Pagpapasakop. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa kabanata 15 ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova.

15 min: “Sambahin si Jehova Bilang Isang Pamilya.”a Anyayahang magkomento ang mga tagapakinig kung paano sila nakinabang sa pakikibahagi sa ministeryo bilang isang pamilya. Maaaring isaayos nang patiuna ang isa o dalawang komento.

Awit 48 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 20

Awit 100

10 min: Lokal na mga patalastas. Magsimula ng Isang Pag-aaral sa Bibliya sa Unang Pagdalaw sa Setyembre. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Iaalok natin sa Setyembre ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping talakayin ang ilang parapo sa may-bahay sa unang pagdalaw. Repasuhin ang mga mungkahi sa Enero 2006 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, at magkaroon ng isa o dalawang pagtatanghal kung paano makapagpapasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw.

15 min: “Tulungan ang Iba na Maging Kaibigan ng Diyos.”b Anyayahang magkomento ang mga tagapakinig kung paano nakatulong sa kanila ang halimbawa ng iba at ang taos-pusong panalangin para sumulong hanggang sa pagpapabautismo.

20 min: “Kung Paano Tayo Tinutulungan ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.”c Kapag tinatalakay ang parapo 5, ilakip ang mga komento mula sa aklat na Organisado, pahina 41, parapo 2.

Awit 6 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 27

Awit 98

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa mga donasyong ipinadala. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyon na angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Setyembre 1 ng Bantayan at ang Setyembre ng Gumising!

15 min: “Patuloy na Patibayin ang Isa’t Isa.” Anyayahang magkomento ang mga tagapakinig kung paano nakatulong sa kanila ang maibiging malasakit ng iba.

20 min: “Isang Kapuri-puring Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod.”d Kapanayamin ang isa o dalawa na nag-auxiliary pioneer kamakailan. Anu-anong pagbabago ang ginawa nila sa kanilang iskedyul? Paano sila nakinabang? Kung posible, ang isa na kakapanayamin ay yaong nakapag-auxiliary pioneer dahil sa tulong at suporta ng kaniyang pamilya. Kapag tinatalakay ang parapo 9, banggitin ang petsa ng susunod na dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito kung mayroon na.

Awit 196 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 3

Awit 50

10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Agosto.

15 min: “Lubos Nating Pinahahalagahan ang Ating mga Pribilehiyo!”e Kung may panahon pa, anyayahang magkomento ang mga tagapakinig sa nabanggit na mga teksto.

20 min: “Maliligtas ang Lahat ng Uri ng mga Tao.”f Banggitin kung paano praktikal na maikakapit ang materyal sa lokal na teritoryo.

Awit 2 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

e Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

f Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share