Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/07 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 9/07 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Setyembre: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Gumawa ng pantanging pagsisikap na makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw. Kapag may kopya na ng aklat na ito ang mga may-bahay, ipakita sa pamamagitan ng maikling pagtatanghal ng pag-aaral sa Bibliya kung paano sila makikinabang dito. Oktubre: Ang Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, iharap at talakayin ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? sa layuning makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kapag sinabi ng may-bahay na wala silang anak, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Maging Malapít kay Jehova, o Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

◼ Dapat i-audit ng punong tagapangasiwa o ng inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon para sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto. Kapag natapos na ang audit, dapat itong ipatalastas sa kongregasyon sa susunod na ulat ng kuwenta.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).

◼ Ang programa sa video na Jehovah’s Witnesses—Organized to Share the Good News ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa Disyembre. Kung kinakailangan, ang mga kopya nito ay dapat isama sa order ng kongregasyon sa lalong madaling panahon.

◼ Ipinaaalaala sa mga elder na sundin ang mga tagubiling nasa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 21-3, may kaugnayan sa sinumang tiwalag o kusang humiwalay na baka gusto nang makabalik.

◼ Para sa Lahat ng Elder: Sa “Tanong” sa pahina 7 ng Nobyembre 2005 isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian, binanggit na kailangan ng resolusyong inaprubahan ng kongregasyon para tustusan ang gastusin ng tagapangasiwa ng sirkito sa panahon ng kaniyang dalaw. Binago na ang kaayusang ito. Hindi na kailangan ng resolusyon para rito. Ang gastusin ng tagapangasiwa ng sirkito sa panahon ng kaniyang dalaw na napagkasunduan ng mga elder na balikatin ng kongregasyon ay maaari nang ituring na karaniwang gastusin at kunin mula sa pondo ng kongregasyon kahit walang resolusyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share