Repaso sa Paaralang Teokratiko ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Oktubre 29, 2007. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 30-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Setyembre 3 hanggang Oktubre 29, 2007.
MGA KALIDAD SA PAGSASALITA
1. Bakit isang mahalagang paraan ng pagtuturo ang pag-uulit? [be p. 206 par. 1-2, kahon]
2. Sa anu-anong paraan natin maitatampok ang tema ng pahayag? [be p. 210, kahon]
3. Anu-ano ang pangunahing mga punto ng isang pahayag, at ano ang tutulong sa atin sa pagpili ng mga ito? [be p. 212 par. 1-3]
4. Bakit hindi tayo dapat gumamit ng napakaraming pangunahing punto sa pahayag? [be p. 213 par. 2-4]
5. Bakit mahalaga na ang ating pambungad ay nakapupukaw ng interes, at paano natin ito magagawa? [be p. 215 par. 1; p. 216 par. 1-3, kahon]
ATAS BLG. 1
6. Paano tayo tinutulungan ng Awit 119:89, 90 na matantong maaasahan natin ang salita ng Diyos? [w05 4/15 p. 15 par. 3]
7. Ano ang idiniriin ng aklat ng Ezekiel, at ano ang ibubunga nito sa mga bumabanal kay Jehova o namumuhay at sumasamba ngayon sa paraang nakalulugod sa kaniya? [si p. 137 par. 33]
8. Paano maiingatan ng “pananalita ni Jehova” ang ating puso? (Awit 18:30) [w05 9/1 p. 30 par. 2]
9. Paano idiniriin ang pag-asang dulot ng Kaharian sa buong aklat ng Daniel? [si p. 142 par. 23]
10. Paano pinatitibay ng aklat ng Oseas ang ating pananampalataya sa kinasihang mga hula ni Jehova? [si p. 145 par. 14]
LINGGUHANG PAGBABASA NG BIBLIYA
11. Ano ang kahulugan ng pagsukat sa templo sa pangitain ni Ezekiel, at ano ang tinitiyak nito sa atin ngayon? (Ezek. 40:2-5) [w99 3/1 p. 9 par. 6; p. 14 par. 7]
12. Sa huling katuparan ng pangitain ni Ezekiel, sino ang “pinuno”? (Ezek. 48:21) [w99 3/1 p. 16 par. 13-15; p. 22-3 par. 19-20]
13. Ano ang kahulugan ng Daniel 2:21? [w98 9/15 p. 12 par. 9]
14. Bakit naging “lubhang kalugud-lugod” si Daniel sa paningin ni Jehova? (Dan. 9:23) [dp p. 185 par. 12; w04 8/1 p. 12 par. 17]
15. Sa anong diwa walang “kaalaman sa Diyos sa lupain” ng Israel, at ano ang dapat nating maging pananaw sa mga salitang ito? (Os. 4:1, 2, 6) [w05 11/15 p. 21 par. 21; jd p. 57-8 par. 5; p. 61 par. 10]