Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/07 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 10/07 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Oktubre: Mga magasing Ang Bantayan at Gumising! Kapag may nagpakita ng interes, iharap at talakayin ang tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya? sa layuning makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Nobyembre: Matuto Mula sa Dakilang Guro. Kapag sinabi ng may-bahay na wala silang anak, ialok ang brosyur na Patuloy na Magbantay! Disyembre: Maaaring ialok ang alinman sa sumusunod na aklat: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Maging Malapít kay Jehova, o Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Enero: Maaaring ialok ang alinman sa 192-pahinang aklat na inilathala bago ang 1991. Kung walang mas matatagal nang aklat ang inyong kongregasyon, maaaring ialok ang aklat na Kaalaman (kung mayroon) o ang brosyur na Patuloy na Magbantay!

◼ Dapat nang ipadala ngayon sa tanggapang pansangay ang mga order para sa 2008 Taunang Aklat. Nagpadala kami ng Yearbook Order Blank kasama ng inyong statement ng Agosto para sa layuning ito. Dapat itong punan ng mga coordinator at lingkod sa literatura at ibalik ang orihinal na kopya sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 2007.

◼ Dalawang kumpletong Pandistritong Kombensiyon sa Wikang Pasenyas ang inihanda sa taóng ito, isa sa Quezon City at isa pa sa Cagayan de Oro City. Sinumang bingi na marunong ng wikang pasenyas at gustong makinabang sa programa ay dapat dumalo, yamang wala nang iba pang programang isinaayos sa ibang mga kombensiyon.

◼ Yamang may limang Sabado at limang Linggo ang Disyembre, magandang buwan ito para mag-auxiliary pioneer.

◼ Ang programa sa video na Transfusion-Alternative Health Care—Meeting Patient Needs and Rights ay tatalakayin sa Pulong sa Paglilingkod sa Enero. Kung kinakailangan, ang mga kopya nito ay dapat isama sa order ng kongregasyon sa lalong madaling panahon.

◼ Pakisuyong tandaan na ang brother na maghaharap ng huling bahagi sa Pulong sa Paglilingkod ang dapat magsabi ng pansarang awit. Pagkatapos, siya o isa pang kuwalipikadong brother na patiunang inatasan ang magbibigay ng pansarang panalangin.

◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:

New World Translation of the Holy Scriptures (softcover edition)—Iloko

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share