Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo simula Pebrero 23, 2009. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 5 hanggang Pebrero 23, 2009.
1. Paano makapagpapalabas ng liwanag ang Diyos sa unang araw kung ang mga tanglaw ay ginawa lamang noong ikaapat na araw? (Gen. 1:3, 16) [w04 1/1 p. 28 par. 5]
2. Ano ang ipinahihiwatig ng hindi pagsasabi ni Jehova kay Noe na supilin ang lupa gayong sinabi Niya ito sa sakdal na si Adan? (Gen. 9:1) [it-2-E p. 1095 par. 6]
3. Kailan nagkabisa ang Tipang Abrahamiko, at gaano katagal ito nagkabisa? (Gen. 12:1-4) [w04 1/15 p. 27 par. 1; w01 8/15 p. 17 par. 13]
4. Ano ang nagpapatunay na nabigo ang ambisyon ni Nimrod at ng mga sumunod sa kaniyang pangunguna na gumawa ng ‘bantog na pangalan para sa kanilang sarili’? (Gen. 11:4) [w98 3/15 p. 24 par. 7–p. 25 par. 2]
5. Yamang tinawag si Lot na “matuwid” sa 2 Pedro 2:7, bakit niya inialok ang kaniyang mga anak na babae sa ubod-samang mga mang-uumog? (Gen. 19:8) [w05 2/1 p. 26 par. 15-16; w04 1/15 p. 27 par. 4]
6. Yamang ang mga asawang lalaki na may takot sa Diyos ay dapat maglaan para roon sa mga sariling kanila, paano nagawa ni Abraham na basta paalisin sina Hagar at Ismael patungo sa ilang? (Gen. 21:10-21; 1 Tim. 5:8) [w88 2/15 p. 31]
7. Anong aral ang matututuhan natin mula sa pagsisikap ni Eliezer na gawin ang mga bagay-bagay ayon sa paraan ni Jehova sa paghanap ng mapapangasawa ni Isaac? (Gen. 24:14, 15, 17-19, 26, 27) [w97 1/1 p. 31 par. 2]
8. Ano ang kahulugan ng panaginip ni Jacob kung saan nakakita siya ng mga anghel na ‘nagmamanhik-manaog sa isang hagdanan’? (Gen. 28:10-13) [w03 10/15 p. 29 par. 1; it-2-E p. 189]
9. Bakit gustung-gusto ni Raquel na makuha ang mga mandragoras ng anak na lalaki ni Lea? (Gen. 30:14, 15) [w04 1/15 p. 28 par. 6]
10. Bakit magandang tularan ang halimbawa ni Jacob sa paglutas ng mga di-pagkakasundo? (Gen. 33:3, 4) [g82-E 2/22 p. 19 par. 8-10]